Dinggin ang Bulong ng Tadhana

Makisabay sa agos ng pagbabago...

Katha ni: Gerardale Ann Apa Balintec, Philippine Daily Inquirer 

I know you have been waiting and praying for this moment. Congratulations for passing the teeth-gnashing and knee-buckling National Licensure Exam for Nurses!

You’ve worked hard for four long years. If there is a course that is literally earned with blood, sweat and tears, this is it!

Now, you can party all night without feeling guilty. Join your alma mater’s torch parade. Take a grand vacation if you must. And when all the congratulations have faded and the parties have ended, I welcome you back to the real world.
You will now realize that:

1. To get a spot as a volunteer nurse, you have to pay up or find a powerful backer.
Getting good grades back in college doesn’t really matter in the battlefield. You may be your batch’s best in related learning experience, or even the summa cum laude, but if you don’t have the right connections, you won’t get anywhere.

2. You will be enticed to take up training courses and exams. The licenses you get from there will eventually expire even before you land your first real job.
I have friends who are US RNs (registered nurses) but have never set foot on American soil. They have IELT’s band 7 plus scores but are stuck in call centers. Some have basic life support and advance cardiac life support licenses, etc., but have never gotten to practice their skills in a hospital setting.
These licenses are expensive, yet nurses collect them like badges on a Boy/Girl Scout’s uniform. They will look impressive in your wallet and listed on your resumé, but as I said, without the right connections, these are all just learning experiences.

3. Reunions with fellow nurses are like meetings with the labor union.
All you’ll ever hear is whining about the current unemployment rate. Some are lucky to be employed or even underemployed, but they are overworked and underpaid.
When nurses gather around sipping expensive cups of coffee, they are most likely complaining about their working conditions or lack thereof. At the back of their mind, they are calculating the things they will need to sacrifice to pay off the very expensive cup of coffee they just had. Or lamenting the long hours they put in just to buy it.

4. The white uniform is not as glamorous as it once looked.
You’ll get screamed at or puked on, and you’ll even pee in your clothes after holding your bladder throughout an 8-hour shift either because there is no decent loo in the hospital you are serving or your unit is understaffed.
Your white uniform may be too tight, old and yellowed already, or your white shoes may also be showing signs of wear and tear, but you’d hate to ask your parents for money to buy new ones. After all, you have already graduated and are supposed to be “working” and earning.

5. Non-nursing service personnel receive salaries bigger than yours.
He/She has SSS, GSIS, Pag-Ibig, PhilHealth and random bonuses while you are battling viruses and bacteria without enough money for your own health insurance, vitamins, or just a disposable mask.
While working as a reliever nurse in a mall, I was paid P250 a day. To my horror, I learned that the high school graduate who was working as our agency’s secretary is paid the same amount. My friend, who is a probationary nurse, is paid P230 a day.
You went to college for four years and you have a diploma to show for it. You now also have your nurse’s license on top of your IVF, BLS, ACLS, dialysis, etc. licenses, but your service is often free. Sometimes you get paid an allowance that is less than what you got way back when you were in college.

6. Being a volunteer, probationary, reliever, contractual, or trainee nurse is not considered working experience.
How can you get out of this country without paid experience? I learned this the hard way when my application for employment in a hospital abroad was denied because I did not have paid working experience. This is the reason many of us agree to be a slave to hospitals that take advantage of our situation.

7. You need a raket to survive.
We girls need makeup and sundry toiletries. As a nurse, you have to look good and smell good. This boosts your self-esteem and self-image. Patients always want to see their nurses looking like angels. But if you are financially hard-up, how can you afford these little luxuries?
I survived my days as a volunteer by selling anything from contact lenses to scrub suits. My colleagues have other  raket  such as selling or  pautang  of pre-ordered clothes and other counterfeit goods on their online stores or in the hospital. Others do home service for intravenous glutathione injections.
We try our best to survive.

8. On night shifts and rainy days, only a few volunteers show up.
These occasions will make up your worst duties. Your staff nurse will be busy snoring while you are left to fend for yourself with over 50 patients in your ward.
The general rule is: Wake up your staff nurse only if a patient is dying. If there is no need for CPR, don’t rouse him/her from his/her sweet dreams.

9. Nurses don’t get assigned only to the ER, DR, or ward. Be prepared to work in the stock room, medical laboratory, kitchen and laundry. Sometimes you will also be assigned to perform secretarial duties.
Admit it. You are dispensable. You are a dime a dozen. If you don’t agree with the working conditions, you can leave. Many nurses will gladly take your place and do the laundry if you hate doing it. After all, there is no shortage of nurses but an oversupply of and a low demand for them.

10. You should not have followed the herd.
Everyone wanted to be a nurse way back in high school. So you wanted to be a nurse, too. The nursing students all looked gwapo and beautiful. You wanted to be one of them. Now, it’s too late. You already have a degree and your spanking new license.

Because I don’t have the financial capacity to apply for a job abroad or for a student visa, I will stay and serve our country. I have also decided to treat my career in nursing as a hobby. As in any other hobby, I will practice it because it makes me happy. But I can’t trust it to put food on my table or pay the bills that consistently haunt me every month.

Welcome to the sad reality of nursing. I just hope that your story has a happier ending.

Gerardale Ann Apa Balintec, 27, says she is overqualified, underemployed and underpaid.



Taking the Nightingale's Pledge


*Inilathala ito noong 9/24/2012 at nakapasa ako sa board exam noong 8/2011 ngunit hanggang ngayon sapul na sapul pa rin ang mga punto ni Bb. Balintec. Binold ko pa nga yung mga relate-much na punto. hahaha... Naisipan ko lang i-repost ngayong kalalabas lang ng June 2013 NLE. Sa mga bagong RN, isang marangal na pagpupugay mula sa inyong kabaro.

Narito ang orihinal na pahina

"I always channel my emotions into my work. That way I don't hurt anyone but myself." -Cinna, Catching Fire



This line inspired me to blog again considering the emotional turmoil I went through yesterday.

Tama si Cinna (ang badette with metallic gold eyeliner na stylist ni Katniss Everdeen sa bonggang trilogy novel ni Suzanne Collin na The Hunger Games). Kesa makasakit ka ng iba, mas mabuti pang gumawa na lang ng isang productive at makabuluhang bagay kung saan ma-chachannel mo ang mabigat na emosyong pinagdadaanan. Makabuluhan nga ba ang blogging? Kebs.

Siguro nagtataka kayo kung ano bang emosyon ang nag-udyok sa akin para labanan ang likas na katamaran at magsulat. Marami. Pagkabigla. Denial. Inis. Bitter. Panibugho. Hinayang. Pagbago ng pagtingin.

Ganito kasi yun.

Taong 2011 nang ako ay makapagtapos ng kolehiyo sa isa sa mga pinakauna at sikat na Nursing School sa lungsod ng Davao. Sikat sabi ko, hindi magaling. May pagkakaiba.

Nakapagtapos ako nang walang ni-isang markang bababa sa 90 sa anumang asignatura.

Skyhigh ang expectations ko. Natural, naghirap ako. 

Kinausap ako ng aking guro ukol sa karangalang maaaring matanggap ilang buwan bago ang pagtatapos.

May problema raw.

Hindi ko maintindihan.

Paanong magkakaproblema eh rainbow colors ang records ko?

Sabi niya, para mabansagang Cum Laude, kailangang magka-WPA ng hindi bababa sa 91 o 92?; walang markang bababa sa 91 sa major subjects at wala namang bababa sa 86 sa minor subjects. May tatlo akong 90 sa major subjects.

Nagulantang ako.

Daglian kong tinungo ang OSA para makahiram ng student handbook at mareview ang policies ukol sa Graduating with Academic Honors.

Kung anumang kakaramput na pag-asang mali ang aking guro na pinanghahawakan ko kanina lang ay bigla na lang naglaho. Parang kandilang hinipan ng malakas na hangin. Tama siya.

Nagdilim ang mundo ko. Nawalan ng gana.

Muli kaming nag-usap. Sabi niya, susubukan pa raw niyang gumawa ng paraan. Kakausapin daw niya ang Level Chairperson hanggang sa Dean kung kailangan. Pilit niyang sinasabi na wag akong mawalan ng pag-asa. Mabuti pa siya, patuloy na lumalaban para sa akin. Ako? Ba't pa ako tatakbo kung wala naman palang premyo ang unang makakarating sa finish line?

Pinatawag ako sa opisina ng Dean of Nursing. Pinag-usapan namin ang aking kaso. Pinuri niya ako habang tinitignan ang records ko. Consistent daw. Matagal na panahon na raw siyang hindi nakakita ng ganoong records. At matagal na panahon nang walang nakakamit ng Cum Laude sa paaralang ito. Ang tsismis pa nga eh, ang huling Cum Laude pa raw ay ang kasalukuyang RLE coordinator namin. Imagine gaano katagal na mula pagtatapos niya? Hindi ko rin alam. Sadya bang bobo ang mga mag-aaral dito kaya hindi uso ang magtapos na may Latin honors? Hindi ko alam. O, baka naman hindi realistic ang sobrang taas na standards para ma-qualify bilang Latin awardee? Malamang.

Kung WPA lang ang basehan, posibleng kaya kong abutin ang Magna Cum Laude (94). Pero ang isyu nga raw ay ang tatlong 90 sa majors ko. Natapos ang aming pag-uusap nang sabihin niyang susulat siya sa Awards Committee (kupunan na binubuo ng mga guro mula sa iba't-ibang kurso ng paaralan na siyang nagpapasiya at nagrereview ng mga qualifications ng mag-aaral na maaaring gawaran ng karangalan) upang personal na irekomendang isaalang-alang ang aking kaso.

Dumating ang araw ng pagtatapos.

Ginawaran ako ng dalawang medalya.

Pero sa halip na ma-consider ang 1-point difference, tinanghal lang nila akong Academic Excellence Awardee at Best in Related Learning Experience

May dalawa pang taong nabigyan ng parangal. Hindi academic, kundi extra-curricular award lang.

Sa kabuuan, tatlong mag-aaral lang ang nakatanggap ng medalya mula sa 700-800 na nagtapos sa kolehiyong iyon nung 2011.

Masamang-masama ang loob ko noon dahil hindi napagbigyan ang 1-point difference. Ang mga kaklase ko dati sa highschool na nakapagtapos sa ibang kolehiyo ng nursing, kahit hindi naman ganun katalino, naging mga Cum Laude, may iilang Magna Cum Laude, at may isang Summa Cum Laude. Nagcompare kami ng qualification standards, nabigla sila. OA daw ang paaralan ko. Sa kanila pala, pina-uulan ang awards. Bakit nga ba hindi? Kawalan ba sa kanila ang magbigay ng parangal?

Kalaunan ay natanggap ko rin na goodbye na sa pesteng Latin award na yun. Fair lang din kasi hindi naman talaga ako nakaabot sa abot-langit na standards nila. Nagpapasalamat rin ako sa mga gurong ipinaglaban ang kaso ko at naniwalang karapat-dapat ako sa latin award kahit na taliwas ito sa naging pasya ng Awards Committee. Sincere ako dito ha. Salamat talaga sa kanila. 

Nakapasa ako sa NLE at naging Registered Nurse nung July 2011. Kamuntikan pang mag top. 84.40 ang average rating ko. 85.something naman ang 10th placer. Sobrang panghihinayang ang naramdaman ng kolehiyo ko nang malaman nila. Sayang daw. Sana nag-december na lang daw ako, baka sakaling mas mataas ang nakuha kong rating kung mas mahaba ang paghahanda. Sakaling nag top ako, sisikat ulit ang matandang paaralan ko. Maibabangon sa hukay ang nakabaon nang kasikatan sa larangan ng nursing.

So, anong nangyari? Bakit na-ungkat ang inilibing nang kasawian?

Kamakailan ay nabalitaan kong may nag-Cum Laude mula sa aking paaralan ngayong taon.

Hindi ako makapaniwala.

Kung hindi ko kinaya, imposibleng may nakakaya.

Inisip ko nung una, baka chismis lang.

Pero na-confirm ko kahapon na totoo pala. May nagawaran nga ng pagiging Cum Laude. Hindi lang isa, dalawa sila!

Hindi pa rin ako makapaniwala. Isip ako nang isip. May mga mag-aaral ba sa lower years na umalingawngaw ang pangalan dahil sa kanilang academic performance? Wala akong maalala. Kapag tumititingin ako dati sa bulletin board kung saan nakapaskil ang Dean's list, walang kasali sa batch nila. Merong kokonti sa first year. Wala na rin sa second year. Ako lang sa batch namin. So papaano nangyari?

Hindi ako mapalagay kaya't nag-imbestiga ako. Oo, parang NBI lang. Na-realize ko na dalawa lang ang pwedeng sagot: either wala talaga silang below 91, which is very close to impossible dahil parusa para sa mga guro ang magbigay ng line of 9 sa RLE, o nag change ng standards ang Awards Committee.

Na-confirm ko. Napag-alaman ko mula sa reliable source na nagpalit ng standards ang eskwelahan. Effective SY:2011-2012, Cum Laude: no grade below 86 in all subjects. 

Anak ng tipaklong.

Bakit ngayon lang?! Pwede naman palang i-adjust ang standards na yan! Bakit hindi nung panahon namin? 1-point difference! Hindi ko hiniling na gawing 86 ang limit sa lahat. 1 point lang! Utang na loob. Ganun ba talaga ka-hirap yun? Alam kong kailangan dumaan sa proseso ang pag-palit ng mga policies. Hindi isang araw lang. Pero apat na taon akong nag-kolehiyo. Ni hindi man lang nila naisip pakialaman ang lintik na standards na yan. Kahit nung huling taon ko na, isang taon din yun. Bakit hindi naisipang baguhin? Bakit ngayon pang tapos na ang lahat? Hayop.

Wala akong sagot sa mga tanong ko. Wala na rin akong gana magtanong sa skwelahan na yun.

Siguro na-realize nila na hindi sila yayaman kahit mag-hoard pa sila ng mga medalya.

Siguro nakakain ng bulok na tsinelas ang Awards Committee at biglang na-inspire.

Siguro trip lang nila.

Wala na akong pakialam sa rason nila sa pagbabago.

Wala na rin kasi akong magagawa kahit bigyan pa nila ako ng isang dosenang medalya ngayon. Kahit mag-public apology pa sila. Nangyari na. Nagdaan na ang yugto sa buhay ko na nakapagtapos ng kolehiyo ng walang latin award. Kanila na lang yang medalya nila. Isaksak nila sa bilbil nila.

Kung ang kaso ko man ang naging dahilan upang mapagtanto ng kung sinumang herodas na yun na palitan ang standards, congratulations na lang sa batch 2012. Kayo ang umani ng itinanim ko. Ang swerte niyo naman. Sino nga ba ang nagsabi na fair ang buhay?

Napag-isip isip ko rin na hindi lang ako naghihinayang para sa sarili ko. Maraming matatalino sa batch namin. Hindi siguro puro line of 9 tulad ko, pero kung sakaling naging 86 ang standards, maraming nagqualify para maging Cum Laude. Hindi lang pala ako ang nanakawan ng pagkakataon. Hindi lang magulang ko ang sana'y napa-iyak sa galak na naging mabuting estudyante ang anak nila.

Hindi ko alam kung magiging bahagi na ng pagkatao ko ang pagiging bitter ko sa pangyayaring ito.

Gumaan ang loob ko nang maisip kong siguro nga blessing in disguise para sa akin ang hindi pag-top sa board exam. Ang saya lang siguro ng paaralan kung nagkataon! Neknek nila! Hindi ko sila pwedeng bigyan ng ganoong karangalan. Gaya na lang nang ipagkait nila sa akin ang hinangad kong karangalan.

Kaya isa lang ang masasabi ko sa kanila: AMANOS!

Katha ni Mike Portes






Tingin ng mga bobong kapitbahay ko, puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila, ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.


Tara, makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.


Alam mo, maraming lumapit sa akin. Nagkagusto at naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo, virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Hindi ko maintindihan ang mga nangyari sa akin. Bukas palad ko naman silang pinakitunguhan, ni hindi ko nga itinuring na iba. Iniisip ko na nga lang na kasi di sila taga rito kaya siguro talagang ganoon.


Tatlong malilibog na foreigners ang nagpyesta sa katawan ko. Sabi nila na-rape daw ako.


Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan.


Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Kasi, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. May mga pagkakaton na nasusuka na ko sa mga nangyayari sa aming dalawa. Parang ‘pag humahalinghing siya, nararamdaman ko na nalalason ako.. Gusto ko mang umayaw, hindi ko makuhang humindi. Hindi ko din alam kung bakit. Ibang klase din kasi siya mag-sorry eh, lalo pa at inalagaan niya ako at ang mga naging anak ko.


Alam mo, parating ang dami naming regalo – may chocolates, yosi at ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya! Alam kong ginagamit niya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa!


Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami! Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay.


Punyetang buhay! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Palayasin ko na daw. Taon ang binilang bago ako natauhang makining sa payo. Iniisip ko kasi na parang di ko kakayanin na mawala siya sa akin… Sa amin! .


Sa tulong ng ilan sa mga anak ko, napalayas ko ang demonyo pero ang hirap magsimula. Hindi nga ako sigurado kung nabunutan ako ng tinik o nadagdagan pa. Masyado na kasi kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya, kaya eto nabaon kami sa utang. Lubog na lubog kami sa pagkakautang, kulang yata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.


Nakakahiya man aminin pero hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. ‘Yun nga lang, kapit sa patalim sabi nga nila. Para akong isang aso na nangagat ng amo, na bumabahag ang buntot at umaamo kapag nangangailangan.


Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kasi ang isang magandang katulad ko. Ang dating hinahangaan at humahalina ay nabibili sa murang halaga. Alam mo maski ganun ang mga nangyari sa akin, nilakasan ko pa rin ang loob ko. Kailangan makita ng mga anak ko, na masasandalan nila ako maski ano pang mangyari.


Maski ano pa ang sabihin ng iba, sinisikap namin na maging maganda ang buhay namin. Nag-aambisyon kami at nangangarap. Ayun, may mga anak ako na nasa Japan, Hong Kong, Saudi. Yung iba nag-US, Canada, Europe. ‘Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi. Masaya daw sa piling ko, maski amoy pusali ako.


Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na nanamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Eto na nga ang panahon na halos di na kami makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.


Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki! Paano na lang ang mga anak kong naiwan sa aking puder? At paano na lang ang mga anak kong nasa abroad? Baka di na nila ako balikan o bisitahin man lang? Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama lang ng mga anak ko ang pagmamahal ko. Malaman nila na ibibigay ko ang lahat para sa kanila.


Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag-usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko eh, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawain. Tama man o mali.


Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw pa.


Mabigat dalahin para sa akin, ang katotohanan na ni minsan ay di kami naging isang pamilya. Halos lahat ng mga anak ko, galit sa isa’t isa. IIlan ang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Madalas kong itinatanong sa sarili ko kung naging masama ba akong nanay para magturingan ng ganito ang mga anak ko?


Kanino bang similya ng demonyo nanggaling ang mga anak kong maituturing mong may mga pinag-aralan pero nakakadama ng saya at sarap sa paghihirap ng kapatid nila? Di ko lubos maisip kung saan impiyerno nanggaling ang kasikiman ng ilan sa mga anak kong ito. Sila pa naman ang inaasahan kong magbabangon sa amin. Nakakabaliw isipin na natitiis nila ang kalagayan ng kanilang mga kapatid na halos mamatay sa hirap ng buhay. Parang di sila magkakapatid sa tindi ng pagkaganid at walang pagmamalasakit.


Ang di ko akalain ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masaya sila sa mga nabibili nila mula sa pinagputahan ko. Buong angas nilang pinagyayabang ang mga pansamantalang yaman at ang kanilang hilaw na pagkatao sa mga makakakita at makikinig. Talaga bang nakakalula ang materyal na kayamanan at mga titulong ikinakabit sa pangalan? Hindi ko maintindihan.


Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.


Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Ilang linggo pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap-usapan na ang susunod na pangbubugaw sa akin. Gagamitin pa nila ang kahinaan ng mga kapatid nilang alipin sa kalam ng tiyan. Sa tagal ng panahong ganito ang sitwasyon namin parang eto lang ang sulok na gagalawan ko. Sana may magtanggol naman sa akin. Ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: “Ina ninyo ako! Pagmamahal nyo lang ang kailangan ko!”


Sensya na, ang haba na ng drama ko. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako. Malaking bagay sa akin na nakausap kita. Ang tagal nating nag-usap, di man lang ako nagpapakilala.


Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.


Pilipinas nga pala.


Inang Bayan ni Rafael Buluran

Siguro, mas masarap mamuhay sa ating bansa kung tunay na "at home" ka dito.





Sa hinaharap.





Sana.





Work today to change tomorrow. -Yolanda Adams

Matagal ko nang nabasa ang article na to mula dito.



At matagal ko na ring gustong bumwelta ng counter-strategy para dito. Kaso, busy-busyhan ang Reyna Emperatriz kaya ngayon ko lang nagawang magsulat tungkol dito.



Isa itong kasulatan na may pamagat na How to Manipulate your Gay mula sa blog na Confessions of a Dirty Good Boy na akda ng isang "Boy de Jour".



Kung sino man siya, Bangsa MALAYsia!



Ngunit hindi ko maitatanggi na may kabuluhan ang kanyang isinulat kung kaya't pag-uukulan ko ito ng panahon.



Sa article na to, inilahad niya ang kanyang dalubhasang pamamaraan kung paano pa-ikutin at pagkakwartahan ang mga baklang marupok. In fairness, magaling siyang mag-psych at kabisado niya ang takbo ng utak ng karamihan sa sisterhood.



Pero hindi lang siya ang matalino.



Lagi mong tandaan mare, sa story of creation, umusbong mula sa pinagbiyak na kawayan si Malakas at si Maganda. Eh saan sa kwento ang mga beki? Edi syempre tayo yung kawayan. Choz! Kung tutuusin mo, angat tayo sa kanila sapagkat taglay natin ang parehong katangian ng dalawang kasarian. Pusong-babae, pero bitukang-lalaki. Oh, arte fa? Gamitin mo ang lakas at talino ng pagiging lalaki mo kasabay ng intuition ng pagiging feeling gurlash mo. And that's a deadly combination. Kung sa ibang version naman ng story of creation, nandoon si Adan at si Eba, wag mangamba sis! Nandoon parin tayo. Ploks! Tayo yung ahas. hahaha! Be ye therefore wise as serpents -ika nga nila.



Pag-aralan nang mabuti ang article na ito. At kasunod ng mga strategies na isiniwalat ni Boy de Jour ay ang mga side-notes ng inyong kamahalan upang mag-silbing counter-strategy. If you wanna play chess, be sure to win. Kaya ito na ang kember niya:




Everybody has a gay. Be it a lover, a friend, a professor, or a new acquaintance. A gay can be very beneficial to a boy, a young man, or someone who looks like either a boy or a young man.

With my expertise as a master mindgamer, manipulator, and damn fucking hot sex machine, I am now arguably the definitive go-to guy when it comes to training hustler wannabes into the art of manipulating a gay for benefits. I am now sharing them with you through the goodness of my heart. Listen well, my young padawans, and listen good.
***O, makinig na daw nang mabuti madz, final announcement na ng game rules. Mamaya na ang chismiz.

The key to successfully manipulating a gay for benefits is confidence. You must gain your mark's confidence through careful suggestions, hints, and behavior. It's not how good you look, how well built you are, or how big your dick is. It's all about how well you play the con game. I have long diagnosed myself to have malignant narcissism, and unless you can admit to having one as well, then you can not pull a successful con.


If you have worked in a call center long enough, or if you have experience working for Famly First, then you'll find this relatively easy.


First, some clarifications: at the heart of any confidence trick is the victim's (or "the mark", sometimes "the target") own greed. A good conman doesn't play with people's TRUST, he plays with their CONFIDENCE. There's a difference. People get tricked into scams not because they're trusting, but because they are confident that they will gain something great by engaging with the con artist.
***May point siya. Go on.

Thus, one should not feel sorry to con a gay. You can NEVER trick an honest gay, only the greedy ones, the ones with hidden motives, the ones with the secret desires, can be truly corrupted.
***Again, may point siya. Pero teka lang. At kailan pa naging justifiable ang manlamang, mang-uto at manggamit ng kapwa regardless kung kanong klaseng tao siya?! Anyways, yaman din lamang na gamitan ang gustong nilang laro, makikipaglaro tayo. 

***Before anything else, kailangan mong malaman kung ano talaga ang MOTIBO mo sa pakikipag-ugnayan sa anumang klaseng lalaki. Take note: hindi naka-segregate ang mga matino sa mga gagong tulad nito at wala silang placard o sash na nagsasabing "manloloko ako." Kaya which is which? That's part of the game my dear. Kung hindi mo kayang i-risk, edi iwasan na lang lahat ng lalaki! Basic. Pero imposible. Sa kati mong yan! hahaha... Dito pumapasok ang kahalagahan ng pagsuri kung ano ang motibo mo sa pakikipag-ugnayan sa mga lalaki. 

***LEVEL I: Easy mode. Kung tunay na busilak ang iyong intensyon, plain friendship lang at walang halong paglalandi, kalaswaan o tugon sa tawag ng laman, hindi problema ang mga lalaki. Sabi nga niya, You can NEVER trick an honest gay. Kasi kung wala ka talagang hidden interest, hindi ka mag-aaksaya ni singkong duling para sa kanya. Halimbawa, may kapitbahay kang lalaking mukhang tuko at nagkita kayo sa sari-sari store ni Aling Trining. Pag sinabi niyang "palibre naman jan kahit softdrinks lang," I'm sure ang isasagot mo ay isang malaking "at bakheeeet???" na mala-roderick paulate sabay high jump ng kilay mo. Gets? Dahil wala kang anumang interes sa kanya, hindi mag-wowork ang anumang strategy na nakalista dito. Unless na lang kung may fetish ka sa mga tuko. Pero that's another story. LEVEL II: Moderate mode. Kung ang motibo mo naman ay para lang makahada o heky galore all the way to the cherry blossoms of Japan, then pay close attention dahil para kang mag-shoshopping sa ukay-ukay. Baka kasi makabili ka ng Hermes bag sa halagang 500 na pwede namang 200 kung marunong ka sa tawaran. O di kaya, tumatanggap pala sila ng beauty card, hindi mo lang natanong. Gets ulit? At panghuli at ang pinakakomplikadong mode ay LEVEL III: Difficult mode. Ito ay kung crush na crush mo talaga ang lalaki at gusto mong makipagrelasyon dahil nga mahal mo na siya at hindi lang dahil sa tawag ng laman o ng notary public. Ang mahirap dito, hindi lang basta tawaran ang kailangan. You have the desire to PLEASE the guy and give him a reason to like you for what you can offer, and not simply for what and who you are. Dito mas vulnerable sa panloloko ang mga juding dahil ang puso na ang pinaiiral at hindi ang utak o laman.

***Matapos mong ma-determine ang goal for the day, ang step two ay to determine the type of guy you are hitting on. Kung pang level II lang siya, carebears na kung manipulative ba siya o hindi basta ma-close ninyo ang deal sa pinakamababang presyo. Ganyan ang kalakalang galyon. Oo, parang palengke lang yan. Laman din naman ang bentahan. Pero kung Level III, kailangan mong pag-aralan nang mabuti at masusi ang bawat kilos, salita, pakikitungo at response o reaction niya sa iyo. If naaamoy mo na ang alingasaw ng manipulasyon, kahit gaano ka slight, then reconsider your goal. Hindi ganitong klaseng lalaki ang minamahal gurl. You deserve better. I suggest changing mode to Level II at mag-gamitan na lang kayo dahil yun lang naman ang kaya niyang i-offer. Or abandon the mission completely if you're afraid of getting hurt. If you choose to go on, then read further.

Moving on... here are some pointers on how to successfully manipulate your gay for benefits.


I. Treat him like a man.


Gays enjoy the cursory illusion of being treated like "one of the boys". Call them "pare" as much as you can, they'd like that. EVEN IF they admit they're gay, you have to keep on ignoring that and pretend that you "don't believe" he is gay.
***Syempre masarap makasama ang mga boys. Lalo na kung kompurtable sila na kasama tayo. Wala namang masama dito. Just bear in mind that this could be a strategy and remind yourself often. It's not being paranoid, its being wise.

Say things like: "Pare, sumama ka lang lagi sa kin, gagawin kitang tunay na lalake." And "Pare, sayang ka, eh. Siguro, kung susubok ka lang ng chicks, makakabuo ka kaagad."
***Just give them a beautiful smile to make them think you are falling for their lines. And remind yourself of the stench of a clitoris. Try not to vomit as you do this.

Invite them to play basketball. Don't worry. They will never play basketball. Gays don't play basketball, they play volleyball. If your mark's a tall gay, then you can say things like "Pare, sayag, dapat nagbabasketball ka, dami mo siguro chicks." They will love that.
***Onaman, lalo na kung ininvite ka niya manood ng game nila. Mag-aala-cheerleader ka dun. With all the face towel and water. Ulirang girlfriend ang role. Okay lang naman mag-enjoy habang nakikipaglaro ka sa mga lalaki, basta keep your mind in the game always at nang hindi ka malihis ng landas. If you can, try mo sumali sa kanila magbasketball to break the stereotype of gays too soft for their kind of ball. Gulat lang nila! And chance mo ito makachansing day! Grab it. haha...

Pretend IGNORANCE. Even if your gay is starting to hint interest in you, IGNORE HIS ADVANCES in order to challenge him more. Gays are biologically male, and as such, are tied to the psychology of being excited when facing challenges.
***Tama siya dito. Ang bakla, kaya galante sa lalaki dahil kahit papaano ay lalaki pa rin ang mentality. Tulad na lang ng lalaking nanliligaw ng pesteng merlat, nagpapakitang-gilas ito in every way. Kung sakaling hindi ka naging bading, gagawin mo pa rin lahat ng panggagastos na yan sa babaeng nililigawan mo. Use their strategy of ignorance, though. It may come handy later. Always play dumb, wag lang careerin.

BEWARE BEWARE BEWARE: Never ever treat your gay like a woman. Treating a gay like a woman will make him believe you are interested in something romantic. He will start behaving like a girl, and like a true female, will start MAKING DEMANDS. You DON'T want that. You don't want your gay to send you messages like "Bakit di ka nagtetext?" or "Hmph." or asking you questions about the friends you're keeping.
***Can't argue with him on this. Good strategy, I must say. hahaha... Weakness natin ang pagiging feeling bilatra. But mind you, kahit pa tinuturing ka na niyang parang babae, be careful. Wag masyadong i-feel dahil most of the time, pambobola lang ito for you to fall for him even more. Acknowledge kunwari na naloloko ka. Pwedeng mag-blush. Pero always remember na alam mong its part of his gameplan.

II. Invest in Your Gay


Every peso you invest in your gay will have a profit margin of 10x ROI. Part of gaining a gay's confidence is making him believe that you are financially independent (You ARE financially independent; you just enjoy spending his money instead of yours) and are not interested in his money. This will also CHALLENGE him into OUT DOING the amount you have spent on him.
***Hindi lahat financially independent. Kung makaasta naman ito, kala mo ang saya-saya talaga niyang nakalamang siya. In fact, mas madaling baliktarin ang larong Level II kung naghihikahos ang lalaking magiging biktima ng iyong pag-aaswang. If you're really experienced in this, kaya mong paglaruang parang tuta ang lalaking purita gamit ang iyong salapi bilang buto. Do not attempt this strategy to guys who are "financially independent," though. Their strategy might just work. Kailangan mong alamin kung kailan appropriate mag-public display of wealth at kung kailan hindi ito makakatulong. Ipa-background check mo sa NBI ang lalaki mo. Choz! Madali lang itong malaman. Consider where he lives, the kind of food he eats, his type of clothes and syempre kung magkano ang allowance niya.
Treat a gay into a frappucino in the ballpark of 100-php and you can expect to be treated to a movie and dinner amounting to 1000-php. Wear a 500-php shirt, and he might give you a pair of 5,000-php shoes. This is mathematics.
***Gaya nang nasabi ko, alamin kung kailan dapat magpakitang-gilas at kung kailan hindi dapat. Don't offer him more than he deserves. Nilibre ka niya nang 100-php na kape, pwede mo siyang ilibre rin with a little more or less 100-php worth of whatever you can think of. Kung purita mirasol lang naman ang lalaki, enjoy a gourmet of street food with him. Naperahan ka man, konti lang at nag-enjoy ka naman kasama niya. Kaya quits lang! Wag mong dalhin sa mamahaling resto unless una siyang nanlibre ng ganoong halaga. 

III. Always Smell Strong


It doesn't matter if you smell good or you smell bad as long as your body scent is STRONG AND OVERWHELMING. Bathe in cheap Afficionado perfume (that is, if you can't afford original, expensive perfumes like I can) or don't shower for 3 days. This is an either-or tip.
***Again, another point well taken. See how clever he is in looking for our weaknesses? You must do the same for your guy. Look for his weakness and use it for as long as hindi ganoon ka mahal yung pesteng weakness na yun or else para ka nalang ding naperahan. As much as possible, use a weakness that doesn't involve money or buying just like the one he cited.

Gays are big on smells. They want to smell you a lot. A person's scent is a subconscious reminder to his significant others of his presence when out of the line of vision. You must establish your presence with your scent.


When playing rough with your "pare", make sure he gets a health dose of your armpits. Pretend you're not conscious of how you smell.
***Punyeta. Magaling talagang maglaro ang gagong to. This is especially effective lalo na kung may armpit fetish ka tulad ko. Warning: manghihina ka dito te. But as I have said, hindi bawal mag-enjoy habang nakikipaglaro. Wala namang mawawala sa iyo kung ipagdidikdikan ka niya sa kilikiki niya. Just remember na wala kang utang na loob sa kanya dahil lang sa sarap ng kilikili niya.

IV. Show Some Skin


Show some skin--BUT NOT A LOT, AND NOT OFTEN.


The technique is to give them a bit to stir their phantom wombs, but not enough to satisfy them, and not often enough that they get accustomed to your body. Never let a gay get familiarized with your physique, or you will lose the whole con altogether.
***This teasing act is used to make you want him even more. Again, mare, go ahead. Take advantage. Just reflect afterwards kung ano ang epekto nito sa iyo. Dapat aware ka kung bakit niya ito ginagawa para alam mo ang dapat mo isipin. Kung feel mo nadedehado ka sa laban dahil dito, atras muna sandali and get a hold of yourself.

V. Profit


Finally, when it comes to reaping the rewards of your hard work, do so subtly.


Make your mark think IT'S HIS IDEA to "help" you out. Never suggest a solution, but present "your problem" in such a way that the solution is clear, and he would make the leaps of logic easily without your help.
***Never volunteer any help unless asked. Never present a solution kahit alam mo na ang mga options. Play dumb dear. Make him say what he wants to happen. And once he does, don't agree to help just yet. Don't forget to make it clear what you want to gain out of helping him. But do not state that you want it in exchange for helping him out. Present it as if you also have your problem and make it seem that he can readily help you out with the solution you want. Make him think about it. Do not settle for any suggestion less than what you have in mind. He might attempt to offer other options to free himself of his part of the bargain. Do not let him. Make sure that you make him suggest that maybe you can help each other out. "BINGO ka day!" -sabi pa ni Annabelle Rama. hahaha... Edi everybody happy! He gets what he wants, you get what you want. Also, wag kang gahaman. Make sure na ang hinihingi mong kapalit ay fairly equal sa hinihingi niya sa iyo. Kung gusto niya lang ng burger, wag kang humingi ng kasal sa simbahan.

Sample dialogue: "So, yun. Di ko nga alam kung saan ako kukuha ng pang-tuition eh. Kung may mahihiraman lang ako, makakapag-bayad naman ako sa susunod na padala ni mama."
***Sample answer: At bakit hindi mo naman inabisuhan ng maaga ang nanay mo para nakapagpadala ng mas maaga? (Again do not ever offer your help unless he verbalizes it. Once he does, present what you want to gain.) I really want to help you kaya lang yung budget ko kasi nakalaan na para dun sa usapan namin ng kakilala ko (na kunwari magfufulfill ng kung anong gusto mong mangyari na kaya rin naman niyang ifulfill) Kung may iba nga lang akong options hindi na sa kanya. Kaya lang wala eh. (If he does not take the bait, do not give in to his favor.)

Always put up a token resistance. "Ano ba, nakakahiya naman. Baka sabihin nila, ano." is a classic reply to ANY AND ALL OFFER OF ASSISTANCE.
***Avoid this by not offering assistance at all. But you must make him see that you CAN if you really can.

Do not ask for anything; always pretend you're just "borrowing".
***Know that there's no such thing as borrowing in this kind of business.

When going around the mall with your gay, it would be helpful if you make your tastes clear in order to help him pick out a birthday/graduation/special occassion gift for you next time that he's alone. "Fuck, sayang, mahal pala tong bagong Nike Zoom Le Bron VI! Gustong gusto ko pa naman."
***Do not make him think that you are falling for this. "Sabi ko naman sa iyo diba, mag-ipon ka para kaya mong bilhin kung ano ang gusto mo. Wag masyadong gumasta sa di naman mahalagang bagay, para kung may gustong-gusto ka, edi mabibili mo agad." You appear concerned and helpful for his wellbeing. You can use these "likes" of him as a weakness later on.

Not all benefits are financial. You can ask your gay for help on matters concerning your studies, or for other opportunities:
***Hindi ikaw ang Lady of Perpetual Help kaya wag kang martir. Pwede kang tumulong pero hindi pwedeng ikaw ang gagawa ng lahat o ng majority ng trabaho.

"Shit, ambobo ko talaga. Babagsak na naman ako sa class kasi di ko magawa ng tama tong project ko."
***"Ano ba kasi yang project na yan? Baka maturuan kita paano gawin kung alam ko." (Take note: turo. hindi ikaw ang gagawa ng project.)

"Kung makakahanap lang ako trabaho, di makakatulong na ako kina mama."
***"Anong pumipigil sa iyo? Hindi naman ang trabaho ang lalapit sa iyo. Kailangan mong magsikap maghanap. Hayaan mo, samahan kita." (Oh, di may date ka pa.)

"Buti ka nga may auto, eh. Ako, pa-commute-commute lang. Kailangan ko pa naman pumunta ng Subic para pick-upin yung padala ni Mama sa tita ko dun."
***"Kaya mag sikap ka. Walang fairy godmother na pwedeng mag grant ng wish mo ng hindi mo pinaghihirapan."

Bonus Tip: One of the best scam to pull on a gay once you've gained his confidence is the Multilevel Marketing Scam Gay Version: "Pare, ayos yung in-ooffer sa akin nung kaibigan ko. 14,500 lang ang fee, tapos kada-2 downline, may 500 ako, plus automatic, 10,000 pesos na GC's sa Jennelyn Shoes at Play and Display. Sulit di ba? Yun nga lang, san naman ako kukuha ng 14,500. Sayang. Kayang-kaya ko mag-sali ng mga tao sa downline ko eh."
***"Sige, pag-ipunan mo yan kung gusto mo talagang sumali. Alam ko namang kayang-kaya mo yan eh. Ikaw pa." (Gaga ka na lang kung naniwala ka rin sa mga pyramiding scam na yan. Bakla ka na nga, tanga ka pa.)

This is an easy con to pull because your gay will be interested in the profit as well. He will see this as a joint venture.
***Gurl, gumising sa katotohanan. Ano kayo mag-asawa? Conjugal kunwari yung business? Loka. Pwede mo siyang ipasok sa trabaho kung may kumpanya ka o may kapit ka sa kumpanya. Siguraduhin mo lang na magtatrabaho talaga siya. Okay lang naman maging matulungin, pero dapat sa tamang paraan. Give a man a fish, and he’ll eat for a day. Teach a man to fish and he’ll eat for the rest of his life. Kung talagang mabuti siyang tao at deserving siya, mas ikatutuwa niya ito. He'll appreciate your presence in his life more for what you have helped him become than what you simply gave him. Syempre hindi lahat ng lalaki ganito, kaya back to the game ateng.

But of course, you're not really putting that money into any multilevel marketing scheme, are you? Not when you can afford a new cellphone with that money.
***See what I'm talking about? If you really need to spend (part of the bargain), as much as possible, don't give him cash. Buy or pay things WITH him. For all you know, your cash will be his next pocketmoney for his date with some cheap clit.

So, after a few weeks, you need to put on another act: "Putang... Ulol talaga yung Jhong na yun! Tinakbo pera ko! Uupakan ko yun pagnakita ko eh!"
***Yeah right! Try harder. So you see, mga sisteraka, wag masyadong magpadala sa tawag ng puso o puson. Maging tuso dahil tuso din ang kalaro natin. Manlalamang sila kung may pagkakataon, you must be very aware of this. Gamitin ang intuition ng pagiging half-merlat upang magabayan ng kutob, at gamitin ang utak ng pagiging half-keke upang hindi mautakan. Wag basta padadala. Tandaan mo: iba tayo. Angat sa karaniwan. Hindi ka lolokohin kung ma-fifeel nilang hindi ka madaling lokohin. At lagi mong tandaan na ang lalaking karapat-dapat mahalin ay yung hindi magagawang pagsamantalahan ang iyong pag-mamabuting loob at hindi kung anu-ano ang hinihiling o hinihingi sayo. Tanggap ka niya sa kung sino at ano ka at masaya siya sa piling mo, hindi sa kung ano ang pwede o kaya mong ibigay sa kanya. Yun nga lang, hindi ko alam kung may ganoon talagang lalaki. Siguro meron, pero nag-avail na rin ng membership card sa kapisanan natin. hihihi

There. I hope that helps. If you have any questions or clarifications, feel free to leave them in the comments section.



Yours,

Boy De Jour

***P.S.: Boy De Jour, my most sincere thanks for this post. Naway maliwanagan ang mga kaawa-awang kapatid ko sa pananampalataya at matutong lumaban nang patas.

About Me

My Photo
Diwata
Philippines
Sino nga ba ang Diwata? Walang nakaaalam... Walang nakakikilala... Maging ako, hindi alam kung sino siya.
View my complete profile

Ano 'to?

Isang kaban ng kung anu-anong bagay na labas-pasok sa utak ko. May ibang may sense, may iba namang wala. Pakyut lang. Ang iba naman tungkol sa kagagahan ng mundo.


MusicPlaylist
Music Playlist at MixPod.com

Mga Alagad