Dinggin ang Bulong ng Tadhana

Makisabay sa agos ng pagbabago...

An Atheist Professor of Philosophy speaks to his Class on the Problem Science has with GOD, The ALMIGHTY.
He asks one of his New Christian Students to stand and . .

Professor : You are a Christian, aren't you, son ?
Student : Yes, sir..
Professor : So you Believe in GOD ?
Student : Absolutely, sir.
Professor : Is GOD Good ?
Student : Sure.
Professor : Is GOD ALL - POWERFUL ?
Student : Yes.
Professor : My Brother died of Cancer even though he P ray ed to GOD to Heal him. Most of us would attempt to Help Others who are ill. But GOD didn't. How is this GOD Good then ? Hmm ?

( Student is silent )

Professor : You can't answer, can you ? Let's start again, Young Fella. Is GOD Good ?
Student : Yes.
Professor : Is Satan good ?
Student : No.
Professor : Where does Satan come from ?
Student : From . . . GOD . . .
Professor : That's right. Tell me son, is there evil in this World ?
Student : Yes.
Professor : Evil is everywhere, isn't it ? And GOD did make Everything. Correct ?
Student : Yes.
Professor : So who created evil ?

( Student does not answer )

Professor : Is there Sickness ? Immorality ? Hatred ? Ugliness ? All these terrible things exist in the World, don't they ?
Student : Yes, sir.
Professor : So, who Created them ?

( Student has no answer )

Professor : Science says you have 5 Senses you use to Identify and Observe the World around you. Tell me, son . . . Have you ever Seen GOD ?
Student : No, sir.
Professor : Tell us if you have ever Heard your GOD ?
Student : No , sir..
Professor : Have you ever Felt your GOD, Tasted your GOD, Smelt your GOD ? Have you ever had any Sensory Perception of GOD for that matter ?
Student : No, sir. I'm afraid I haven't.
Professor : Yet you still Believe in HIM ?
Student : Yes.
Professor : According to Empirical, Testable, Demonstrable Protocol, Science says your GOD doesn't exist. What do you say to that, son ?
Student : Nothing. I only have my Faith.
Professor : Yes. Faith. And that is the Problem Science has.
Student : Professor, is there such a thing as Heat ?
Professor : Yes.
Student : And is there such a thing as Cold ?
Professor : Yes.
Student : No sir. There isn't.

( The Lecture Theatre becomes very quiet with this turn of events )

Student : Sir, you can have Lots of Heat, even More Heat, Superheat, Mega Heat, White Heat, a Little Heat or No Heat. But we don't have anything called Cold. We can hit 458 Degrees below Zero which is No Heat, but we can't go any further after that. There is no such thing as Cold. Cold is only a Word we use to describe the Absence of Heat. We cannot Measure Cold. Heat is Energy. Cold is Not the Opposite of Heat, sir, just the Absence of it.

( There is Pin - Drop Silence in the Lecture Theatre )

Student : What about Darkness, Professor ? Is there such a thing as Darkness ?
Professor : Yes. What is Night if there isn't Darkness ?
Student : You're wrong again, sir. Darkness is the Absence of Something. You can have Low Light, Normal Light , Bright Light, Flashing Light . . . But if you have No Light Constantly, you have Nothing and it's called Darkness, isn't it ? In reality, Darkness isn't. If it is, were you would be able to make Darkness Darker, wouldn't you ?
Professor : So what is the point you are making, Young Man ?
Student : Sir, my point is your Philosophical Premise is Flawed.
Professor : Flawed ? Can you explain how ?
Student : Sir, you are working on the Premise of Duality. You argue there is Life and then there is Death, a Good GOD and a Bad GOD. You are viewing the Concept of GOD as something finite, something we can measure. Sir, Science can't even explain a Thought. It uses Electricity and Magnetism, but has never seen, much less fully understood either one. To view Death as the Opposite of Life is to be ignorant of the fact that Death cannot exist as a Substantive Thing. Death is Not the Opposite of Life : just the Absence of it. Now tell me, Professor, do you Teach your Students that they Evolved from a Monkey ?
Professor : If you are referring to the Natural Evolutionary Process, yes, of course, I do.
Student : Have you ever observed Evolution with your own eyes, sir ?

( The Professor shakes his head with a Smile, beginning to realize where the Argument is going )

Student : Since no one has ever observed the Process of Evolution at work and
cannot even prove that this Process is an On - Going Endeavor, are you not Teaching your Opinion, sir ? Are you not a Scientist but a Preacher ?

( The Class is in Uproar )

Student : Is there anyone in the Class who has ever Seen the Professor's Brain ?

( The Class breaks out into Laughter )

Student : Is there anyone here who has ever Heard the Professor's Brain, Felt it, Touched or Smelled it ? . . No one appears to have done so. So, according to the Established Rules of Empirical, Stable, Demonstrable Protocol, Science says that
you have No Brain, sir. With all due respect, sir, how do we then Trust your Lectures, sir ?

( The Room is Silent. The Professor stares at the Student, his face unfathomable )

Professor : I guess you'll have to take them on Faith, son.
Student : That is it sir . . . the Link between Man & GOD is FAITH. That is all that Keeps Things Moving & Alive.

ni JOHN LAPUS


Si Carol Dauden, na isang magaling aktres, at si Aiza Seguera, na mahusay na mang-aawit, ay umamin na-sila ay mga tomboy. Mukha naman silang masaya sa kanilang pag-amin. Mas naging malaya sila. Natanggap naman sila ng mga pamilya nila at mga kaibigan. Pero bakit ang mga bakla sa showbiz, isang damukal ang ayaw umamin. Yung iba, tumanda na, at yung iba naman, namatay na pero hindi umamin. Namatay nang nagtatago. Namatay nang hindi malaya. Kawawang bakla.


Sabi ng mga kaibigan kong tomboy, minsan daw, nakaka-get sila ng babaeng makaka-s*x nang hindi nila binabayaran. Para ding mga straight guys na minsan talk show lang at isang bote ng beer, confirmed na! Yung mga baklang mukhang babae at maganda, siguro nakaka-get ng libre, pero prangkahan na, yung iba hindi.


Kahit mayaman ang bakla or sikat at powerful, pay pa din. Yung iba, hindi cash. Minsan, career or trabaho. Minsan, damit or rubber shoes. Basta, may kapalit pa rin. May mga kaibigan akong nagmamaganda. Mahal daw sila ng kanilang mga straight boyfriends. I asked them, "Try niyo nga huwag bigyan 'yan ng allowance or work, tignan ko lang kung boyfriend mo pa 'yan." Ayaw naman nila i-try. Kawawang bakla.


Ang dami kong kilalang tomboy na ang girlfriend babaeng totoo 'tapos tumagal ang relasyon. Sa mga bakla, ang tumatagal lang yung bakla sa baklang relasyon. Kawawang bakla.


Lima na ang kakilala kong baklang pinatay. Yung dalawa, ka-close ko pa. Nagkaroon tuloy ng chismis na baka may gay serial killer. Pero tomboy, walang masyadong pinapatay. Naisip ko, itong mga gay killers, they know na kaya nilang patayin ang mga kawawang bakla na biktima nila. Honestly, minsan naisip ko, kung meron kayang bakla na serial killer naman ng mga lalaki? Bongga, di ba? Pero mga salbahe lang ang pinapatay niya. Kaya lang 'pag nahuli, kawawang bakla.


Parang boring ang kumalat na picture ng Mocha girls na naghahalikan. Pero kung member ng all-male group ang may kumalat na picture na naglalaplapan, kahit biruan lang din tulad ng sa Mocha, I'm sure-manicure-pedicure-kulot, hanggang next year ay headline 'yon. Pagchi-chismisan sa beauty parlor, palengke, school, opisina, prisinto, at sa batis habang naglalaba. Kasi recently ko lang nalaman, na 'pag dalawang babae pala ang naghalikan, natuturn-on ang mga lalaki. Pero 'pag dalawang lalaki ang naghalikan, hindi naman natuturn-on ang mga babae, worst, nandidiri sila. Biased, di ba? Kawawang bakla.


Pag ang mga lalaki nambabae, sasabihin "macho." Pero pag namakla, "kadiri." Kawawang bakla.


Pag ang bakla mukhang babae, maganda. Pero ang babae pag mukang bakla, pangit. Hahaha. Kawawang bakla.


Eto, talagang totoo. Pag ang baklang pa-girl malaki ang nota, alaskado siya sa mga kaibigan niyang bakla. Ang tomboy na pamin pag matambok ang pechay, kaiinggitan ng mga kaibigan niyang tomboy. Suwerteng tomboy, kawawang bakla.


Ang dami kong kaibigang Filipino-Chinese na tomboy at accepted ng family nila. Ang dami kong kaibigang Filipino-Chinese na tagong bakla. Yung iba umamin na lang noong patay na ang tatay nila. Kawawang bakla.


Pag may dumaan na bakla, sumisigaw ang mga batang kalye ng, "Bakla! Bakla!" Pero parang hindi pa ako nakarinig na sumigawsila ng, "Tomboy! Tomboy!" Kawawang bakla.


Ang mga baklang nakadamit-babae, posibleng mabastos pag pumasok sa C.R. ng boys. Pag ang tomboy pumasok sa C.R. ng girls, okay lang na nakadamit-lalaki. Hindi kaya dahil lalaki lang ang nambabastos? Kawawang bakla.


Nabanggit ko na ito dati. Ang dami kong nakikitang tomboy na may ka-holding hands na babae. May nakita na ba kayongn baklang hinolding hands ng boyfriend niya? In public, ha. Kawawang bakla.


Yung isang kaibigan kong tomboy, tuwang-tuwa daw ang tatay niyang sundalo nang malamang tomboy siya. Yung kaibigan kong bakla, binugbog ng tatay na sundalo nang malamang bakla. Kaloka. Kawawang bakla.


Pag ang anak na lalaki or babae masama ang ugali, ang tawag "black sheep." Pag bakla ang anak na masama ang ugali, ang tawag "salot." May kaibigan nga ako na mabait naman, salot pa din ang turing ng pamilya. Maryosep, kawawang bakla.


Kadalasan ang lalaki, kapag nakikipag-break sa girlfriend nila, kasi may ibang babae. Kapag ang lalaki, nakikipag-break sa bakla, kasi may ibang bakla or babae. Heto ang kakaiba, may kaibigan akong bakla, iniwan siya ng jowa niya kasi nag-born again. Ang say ni bakla, "Anong palagay niya sa akin, demonyo?" Kawawang bakla.


Naging malaking issue nang tawagin ni Joey de Leon na "mukhang aswang" si Pokwang. Dahil siguro magkatapat sila ng show. Sabi ni Willie Revillame, kawawa naman daw ang anak ni Pokwang kasi tinutukso sa school. Naisip ko lang, kung bakla ang co-host sa Wowowee at sinabihang "mukhang aswang" ni Joey, masasabi rin kaya ni Willie na kawawa naman ang mga pamangkin ni bakla kasi tinutukso sa school? Ano sa sa plagay niyo? Sana naman...Kasi 'pag hindi, kawawa si bakla.


May mga artistang babae at lalaki na pangit na, wala pang laman ang utak. Itsura pa lang kasi, nakakatawa na. Ang mga baklang pangit, kailangan medyo witty at matalino. Kung hindi, kawawa kang bakla ka.


Ang batang lalaki 'pag kumikendeng, sasabihin "bakla paglaki." 'Pag ang batang babae, macho kumilos, sasabihin ay "boyish" lang. Kawawang baklita.


Ang mga babae tuwang-tuwa 'pag pumupunta sa gay bar. Ang mga bakla, kawawa sa pandidiri 'pag pumunta sa girlie bar. Sure ako diyan. Sinama ako dati ng mga kaibigan kong lalaki, awang-awa ako sa sarili ko. Huhuhu.


Nakakatawa pero nakakasad yung joke na ito (buti na lang joke):


PARI: Ang mga bakla ay hindi makakapasok sa langit.
BAKLA: Ok lang 'yon Father. Doon na lang kami sa Rainbow, magslide-slide.


Which made me think. Ang mga bakla lang ang makakaisip ng ganoon. Hindi na papasukin sa langit pero nakuha pang mag-taray at lumigaya sa pag-slide sa rainbow.


Dito sa Pilipinas, sa Quezon City na lang, tabi-tabi ang gay bar. Lesbian bar, may nakita ka na? Alam niyo ba na may mga spa at massage parlor na para lang sa mga bakla? Bongga!


Walang baklang istambay. As in pang lalaki lang ang word na 'yan. Yun nga lang, may baklang pusher at bugaw pero may trabaho pa din. Bihira ang baklang holdaper. Yung kumukuha na lang ng hindi kanila. May na-meet na akong baklang snatcher at akyat-bahay, at least, nag-effort muna sa pagtakbo at pag-akyat. Hahaha.


Ang word na "pink peso" ay dedicated daw sa pera na kinikita at ginagastos ng mga bakla. Madami daw bakla sa call center na pinapayagang mag-boses babae kasi boses babae talaga. I doubt kung madaming tomboy ang boses lalaki. Aminin.


May kaibigan akong tomboy na nag-commit ng suicide after iwan ng girlfriend. Ang mga bakla 'pag iniwan ng jowa, mababaliw lang-iiyak...mag-e-emote...magkukulong sa kwarto...magluluto...magpapa-parlor...' tapos may jowa na ulit. Taray! I should know.


Mas madaming bakla ang nanalo sa mga make-up at hair style competition. Oo naman. Ang mga bakla, may taste. Pag sinabi naming pangit, pangit talaga 'yon. Pero pag sinabi naming maganda, ay maganda talaga 'yon. May kaibigan akong lalaki. May pina-date sa akin na barkada daw niyang guwapo. Sa barkada nila, 'yon daw ang pinaka-guwapo. Nang makita ko, ang naisip ko lang, "Diyos ko po! Ano pa itsura ng pangit sa barkada nila?" May barkada naman akong babae. Pinakilala sa akin yung manliligaw niya. Super guwapo daw. Pucha, pagkakita ko, napa-C.R. ako.


Ang mga bakla, masaya kasama. Maingay, nakakatawa at hindi boring. Come to think of it. Hindi rin pala kami masyadong kawawa. Mga bakla, tara na sa Rainbow at mag-slide-slide in this particular order:


RED- Mga baklang pa-girl, operada at mukhang babae. Go, mga sisters!

ORANGE- Mga batang bakla. Slide na, mga anak!

YELLOW- Mga baklang may asawa at anak. You deserved to be happy. Slide na!


GREEN- Mga paminta, mukhang lalaki, members ng guys4men.com. Slide na, mga pare!


INDIGO- Mga baklang Diva at Mama. Halina mga sisters. Mama Ricky, kapit lang po mabuti. Sunod na po ako in a while.

VIOLET- Mga baklang bisexual, dito kayo kasi alanganing red, alanganing blue. Go!

BLUE- Mga baklang tago at ayaw umamin, dito kayo. Kahit hindi kayo umaamin, may karapatan din kayong mag-slide sa rainbow natin. Ingat lang sa pagtili at baka mabuking. Diyan kayo sa dulo para hindi mahalata ng bayan na nakikipaglaro kayo sa amin. Don't worry, we understand. Alam ko, kawawa din kayo.

Sssshhhh....

Powered By Blogger

About Me

My Photo
Diwata
Philippines
Sino nga ba ang Diwata? Walang nakaaalam... Walang nakakikilala... Maging ako, hindi alam kung sino siya.
View my complete profile

Ano 'to?

Isang kaban ng kung anu-anong bagay na labas-pasok sa utak ko. May ibang may sense, may iba namang wala. Pakyut lang. Ang iba naman tungkol sa kagagahan ng mundo.


MusicPlaylist
Music Playlist at MixPod.com

Mga Alagad

Powered By Blogger