Dinggin ang Bulong ng Tadhana

Makisabay sa agos ng pagbabago...

As usual, ginabi nanaman ako sa skewla. 9pm kasi talaga natatapos ang klase ko tuwing sabado. Pero medyo maaga kami dinismiss this time, mga 8pm.


Inimbita ako ng isang auntie mayette na kaklase ko na mag-wara for the night kasama ang ibang kasapi ng pink mafia.


Nag-alangan ako.


Sinabi kong itext nalang ako kung matutuloy sila at baka pwede akong sumunod. May lakad ako with other friends, sabi ko.


Pero nagsinungaling ako. Ang totoong plano ay sasamahan ko ang isang kaklase kong lalaking medyo bet ko. Medyo lang naman. Manunood daw kami ng sine kasi hindi pa niya napanood ang New Moon. Isang pseudo-date nanaman. Pero go parin.


Habang palabas na ng gate ng school, biglang sabi ni lalaki,
"makikisakay ako ha? hanggang doon lang ako sa sakayan ng jeep."


Wala akong kibo. Tango lang isinagot ko. Sa isip ko, Ano to? Akala ko ba lalabas tayo? Leche. Prinioritize kita tapos biglang cancel ang plano? Wala pa rin akong kibo. Uminit ang ulo ko. Hindi rin siya nag-explain kung bakit. Basta sabi niya, uuwi na siya. Hindi na rin ako nagtanong. Hindi ako tanga.


Binilisan ko ang pagpatakbo ng sasakyan. Medyo padabog pa ang kilos ko.
"Galit ka?", tanong niya. "May dahilan ba para magalit?", malamig kong sagot. Siya ang natahimik.


Sa daan, nakita ko ang mga kaklaseng batukling na nag-invite sa gays night out. Huminto ako. Pinasakay sila. "
Change of plans, sasama ako sa inyo. Now na.", sabi ko sa mga bakla. "Mag-nanight out kayo?", tanong ng lalaki. "Oo, ayoko pang umuwi.", malamig ko pa ring sagot.


"Since may change of plans, hindi na kita mahahatid sa may sakayan ng jeep. Hanggang jan nalang kasi kami sa kabilang kalye. Out of the way na yung bababaan mo.", pasimple kong paliwanag. "Ihatid mo nalang ako, please? Malapit lang naman eh.", pagpapakyut ng peste. "Eh, malapit lang naman pala, mag walkathon ka nalang! Ahihihi.", hirit ng isang bading.


Naawa ako. Pinagbigyan ko siya, kahit hindi niya ako pinagbigyan ngayong sabado. Hinatid ko ang mga bading sa bar. Sinabi kong ihahatid ko nalang ang pobre. Babalik ako agad.


Hinatid ko nga siya sa sakayan ng jeep. Mas lalo akong napalayo. At ba't walang beso? Dati, paghinahatid ko siya sa kanila, may beso sabay yakap. Porke ba sa malapit ko lang siya inihatid, hindi umabot ang points para maka-achieve kahit beso man lang? Eh kung sa Paquibato ko siya ihatid? Ano kaya ang achievement level?


Pero inis parin ako. Nagmura ako kasi talagang napalayo ako.


Pagdating sa bar, wala pang gaanong tao. Hindi pa rin perfect attendance ang mga juding. So wait ang mga early birds. Yosi. Chikka. Yosi...


Nagsidatingan na rin sila. 8 kaming lahat. Yung 2, hindi ko kakilala by name. Pero alam kong schoolmates kami. Pagkatapos ng introdution portion, nabigla ako. May isa pang dumating na bading. Schoolmate din namin. Pero ang ikinagulat ko, may isa pa siyang kasamang oyotar. Yung kasama niya, isa sa mga itinuturing kong "disposable friends". Yung tipong may expiry date. Dati ko kasi siyang klasmeyt sa ibang paaralan. Medyo close kami dati. Kaya lang, katakot takot na traydoran ang naganap. Kaya ex-friends na kami nagyon. Hindi kami civil. Hindi rin sila lumapit sa grupo, medyo may distance.


Napansin ng mga ateng na bigla akong natahimik. Ibinulong ko sa isa ang history namin ng pesteng new arrival. As usual mga bakla, hindi pwedeng hindi makasagap ng chikka. Kaya parang mga gutom na isda sa aquarium na nagkakagulo habang sinasabuyan ng fish food.
"Ano raw?", tanong ng isa. "Ahihihihi bongga! Sige, ibubluetooth ko sa inyo ang mensahe.", drama ng isang vhakeyla habang nagpopose na parang may mental telepathy powers. Bulungan sabay lingon sa target. Tawanan.


"Ako si Pinoy Big Ate, may mensahe ako para sa inyo, mga housemates. May eviction na magaganap ngayong gabi! Ahihihihih!!!", toka ng isang bading. Tawanan ulit ang lahat. Napag desisyonan ng karamihan na maglipat ng bar. At dahil ako lang ang may dalang golden carriage, sakay ang mga bading. Nakasakay na ang 8 na batukling sa sasakyan, pero hindi pa ang 2 baguhan. Bigla kong inilagay sa reverse ang kambyada at nagsimula nang umatras.


"May sasakay pa.", sigaw ng juding sa likod.


"Ay, sorry. Di ko nakita.", sabi ko nang naka-smile.


Sinadya ko yon. Alam ko, tarantada ako.


Nahiya na siguro ang dalawa. Susunod nalang daw sila. Dapat lang. Napakakapal na siguro ng callo nila sa mukha kung makikisakay pa sila.


Dumating kami sa next bar. Maya maya dumating ulit ang dalawa. Pero di na naki-table. May baon palang hiya, kahit papaano. Naglaho sila na parang na-engkanto. Tama ang announcement ni big ateng, may na-evict nga nung gabing iyon. Success na ang gabi ko somehow.


Shot na ang mga bading. 1 bucket ng redhorse. Yosi. Shot. Yosi. Chikkahan. Tawanan. Napagpasyahan ng karamihan na magdisco. Penetrate kaagad kami sa kalapit na disco hub. Hala, sayaw. Kiskisan. Masikip. Mainit. Pero walang gwapo. Masyadong dry ang El nino. Kaya lumabas na kami. Paglabas ng isang kasamahang auntie mayette galing CR, abot tenga ang ngiti ng loka.


"May dalawang chinese sa CR, sabay na pinakita ang mga nota nila sa akin! Ahihihi.", pakilig na tawa at pang-iinggit nya. "First time kong makakita ng maputing nota, and take note, pinkish ang heading!!! Mala-makopa!!", dagdag pa niya. Imbyerna naman ang mga bading. Mga inggitera kasi walang achievement so far.


Ang last destination namin, naloka ako. GAY BAR. Itago nalang natin ito sa totoo nitong pangalan na FAME. 1am na nang pumasok kami. First time namin lahat pumasok dito. Lahat kabado. Lahat nanginginig ang tuhod. Baka biglang may raid. Baka may kakilala ako sa loob. Syet. Kahihiyan to. Pero nanalo ang kalandian at libog kaya penetrate parin sa loob. Sa pinaka-front kami umupo. Halatang baguhan. Natawa ako kasi parang mga girls scouts ang mga bading. Laging handa. May dalang alcohol for sanitary purposes.


Nomo ulit kami. Tig-iisang redhorse. The usual na nakikita sa movie ang setting. Mga macho dancers. Pagiling-giling. May gwapo. Karamihan, yung tipong "pwede na". Meron ding mga pangit. Sa katawan, merong masarap na masarap dilaan from dandruff to ingrown. Meron ding parang adik ang katawan. Kung bakatan naman ang labanan, meron ding hungarian sausage, ice water, de lata. Pero sad to say may isang gwapo na bite size lang ang hotdog niya. Kawawa. Na-disappoint ako kasi hindi naman pala sila nag-o-all the way. May suot pa ring saplot, kahit papaano. May mga mabilisang dick flashes, pero yun na yon. Nakahawak rin ako, once. Malaki. May dalawang oyotar kaming kasama na nangahas magsabon ng nota ng gwapong macho dancer. Nadali sila ng 2 hash! hahaha... Imbyerna ang mga bakla kasi jolina magdangal ang nota ni gwapo. Malambot pa. Lugi sila. :))


Napagpasyahan na naming umuwi dahil 3am na. And besides, papangit nang papangit na ang mananayaw. Hindi na masaya tignan. Kadiri na. Kaya nagbabylon na kami sa Fame at nagbabylon na sa isa't isa. Kanya-kanya nang uwian.


Nag-enjoy ako ng todo. Ito ang first gays night out ko. Pero siguradong hindi pa ito ang huli. Kahit na medyo tagtuyot ang season ng hekya, enjoy parin. Kasi walang segundo na hindi ka tatawa pag bakla ang kasama mo. Yan ang isang innate gift na bigay ni Papa God sa bawat kapatid sa pananampalataya.

Totoo nga talagang you can't please everyone. Kahit gaano ka kagaling, katalino, kaganda, kayaman at kabait, meron talagang hinirang at itinakdang maging kontra bida.

Kahapon lang ay naidaos namin ang isang napakahalagang "rite of passage" sa buhay ng isang student nurse- ang Cap, Pin, and Candlelight Ceremony.

May mga estudyanteng naatasang magkaroon ng mga special participation sa nabanggit na event. Isa na ako doon. At maging ang isa sa aking mga close friends. Ako ang naatasang magbigay ng speech of thanks kasi ako daw number 1 sa batch namin. DAW. Hindi ko alam kung gaano ito ka-totoo. Baka wala lang talagang ibang mahanap ang mga CIs na mas makapal pa ang mukha sa akin. Yung friend ko naman, pinakanta siya ng "Follow your dream" ni Sheryn Regis. Pinakanta siya dahil malamang may K siya!

Naging matagumpay ang aming 5 minutes of fame. Congratulations sa kaliwa, Well done sa kanan. Akala ko, winner kaming pareho. Akala ko lang pala yun.

Naglabasan ang mga chikka pagkatapos ng event. Unang nagkwento ang isa ko pang close friend na bading. Habang kumakanta raw ang friend naming ala-Sheryin Regis, may impaktang nanlait sa kanya sa may likuran ni bading.

Impakta: Kilala ko yan! Local star yan ng ABS-CBN sa GenSan. Hindi naman magaling.

Nag-racing ang kilay ng bading at uminit ang ulo. Tinignan niya ng masama ang babae sa likuran. Tinaasan ng kilay. Ayaw parin paawat ng impakta. Kung anu-ano pa ring panlalait ang sinabi tungkol sa friend namin.

Impakta: Nakakainis pakinggan! Obvious na obvious na pinilit ang boses.

Hindi nakatiis ang bading.

Bading: Miss, dahan dahan ka sa mga sinasabi mo ha. Close friend ko yang kumakanta.
Impakta: Eh, totoo naman eh!
Bading: Oo! totoong mas pangit ka! Lecheng ulikba to!

Aktong lalaban pa ang gaga pero natakot yata ang katabing babae ng impaktang negra sa kaibigan kong bading na parang bouncer ang katawan.

Katabi ng Impakta: Ay, sorry ho. Ikaw naman kasi impakta, tigil tigilan mo na nga yang panlalait mo.

At natahimik na silang lahat. Paano naman kasi, katawan palang ng bading, panakot na. May history pa si bading na nanuntok daw ng suso ng isang beks na sinabunutan siya at ayaw tantanan ang kanyang curly hairs. Ayun, hinimatay ang kawawang beks. Dapat nagpatingin siya sa duktor. Baka may breast cancer na siya ngayon.

Akala ko si singer friend lang ang may Bella Flores. Ako rin pala. Kaninang umaga, nagchikka ang classmate kong naka may I hear sa nasabing panlalait sa akin habang ako raw ay nagsasalita sa harap ng madla. Sa kalagitnaan ng aking speech...

Matandang lalaki: Anu ba yan! Ang tagal-tagal magsalita! Ang dami-daming sinasabi. Nagugutom na ako! Ang sarap batuhin ng kamatis!

Eh may nakarinig na guardian angel ko! Rumesbak si ati.

Mudra ng classmate ko: Kung nagugutom ka, at pumunta ka lang dito para kumain, edi lumabas ka! Walang pumipigil sayo. Nakikinig ka ba sa pinagsasabi niya? Sa content at impact ng kanyang speech para sayo at sa anak mo? Baka naman hindi mo lang naintindihan kasi English ang pagkakasabi?!

Pakpak mga bayut!!! Mabuhay ang reyna! And the award goes to: matandang lalaki! ahihihihi! ayan tuloy, inimbyerna si mother lily. Na-awardan tuloy. Sabi ko sa classmate ko, pakisabi sa mama niya, salamat. At asahan niyang special mention siya sa susunod kong pagtatalumpati.

Pagkatapos ng lahat, kasali na ang mga pang-aalipusta sa aming pagkatao, choz! May mga mabubuting tao na parang fairy godmother na handang tumulong at magtanggol sa oras ng pangangailangan. Bading, mother lily ng classmate ko, maraming maraming salamat. Mabuhay kayo.





PS: Sa matandang lalaking nanlait sa akin, hindi na kita papatulan. Alam kong, ilang sandali nalang ang lalagiin mo dito sa mundo. Pagbibigyan kita. :)

Matagal-tagal na rin akong hindi nag-bablog. Actually, gustong-gusto kong magsulat kaya lang, hindi ko alam tungkol saan. Kaya, kanina lang, mga 12:32am siguro, binigyan ako ni Papa God ng dahilan para magsulat.

Nasa bahay ako. Nagchachat. Eyeball chat; Romance; Gay & Lesbian-1 room. May isang nag pm sa akin.
(nakalimutan ko ang id): hi, 20m bottom here.
(secret id ko): hi. 18 m davao. Top.
(nakalimutan ko ang id): wanna have fun in my place?
(secret id ko): sure. where?
(nakalimutan ko ang id): sandawa.
(secret id ko): ang layo naman. Are you effem?
(nakalimutan ko ang id): No. nakapandamit-lalaki ako.
(secret id ko): cge na nga. ano number mo? para matxt kita kung andyan na ako.

Nagpalitan kami ng digits.

Nakarating na nga ako sa Sandawa. Bumili ng condom and lube sa Convenience Store.

"Where u na? Ano suot mo?" txt niya.

"Sandawa na. Sandali, may binili lang. Brown shirt." reply ko.

Maya-maya lang, "Ano kulay suot mo?" txt nanaman niya.

"Brown nga." reply ko ulit. Ang kulit.

Ilang sandali lang, tumunog nanaman ang cellphone ko. Siya nanaman. "Anu ba? Magreply ka naman. Please tell me honestly kung pupunta ka." txt niya.

Pag tingin ko sa outbox ko, andun pala yung mga replies ko. Leche. Sa lahat-lahat ng panahon, ngayon pa ba ako mauubusan ng load? Tumunog nanaman ang cellphone ko. Siya ulit. Paulit-ulit na mga tanong. Naghanap ako ng naglo-load. Malayo. Ang tagal pa dumating ng load.

Naka-limang message na siya. Nagreply ako, "Nandito na ako. Sorry nagpaload pa. Naubusan eh. naka-brown nga pala ako."

Naghinatay ako sa aming meeting place. Naka-sandal sa sasakyan ko. Wait. Wait. Wait.

May biglang lumabas sa madilim na eskinita na lalaking naka white na sando. Ok lang ang histura. Maganda ang katawan. Kahit papaano, YUMMY, sabi ko sa sarili ko. Papunta siya sa kinatatayuan ko. Sana siya na. Pero diredirecho ang lakad ng loko. Leche. Napadaan lang pala. Wait naman ako.

Di nagtagal, may nakita nanaman akong lalaki sa may madilim na eskinita. Naka-brown rin siya. Pandak. Maitim. Talo pa ang pato kung maka-kembot maglakad. Siya na nga to. Sigurado. Akala ko ba hindi siya effem? Eh, mas lalaki pa yata si Ogie Diaz sa kanya. Diyos ko po! Ano tong pinasok ko? Napabulong ko sa sarili.

Dumaan siya sa aking harapan. Lumagpas. Umikot at tumayo sa may waiting shed.

Nagring ang phone ko.
"Ikaw ba yang nakasandal sa sasakyan?" tanong niya.
"Yes." sagot ko naman.
"Lumapit ka dito sa waiting shed." huli niyang txt.

Lumapit ako at nagpakilala. Pangit. Kinamayan ko siya. Bakas sa mukha niya ang pag-aalinlangan.
Target: Uhmmm... Sorry ha... Mali yata ang napicture-out ko. Straight ka ba?
Me: No. Im bisexual.
Target: Ah. Sure? Akala ko kasi kanina straight ka? Kasi nga diba? Sabi mo Top ka. And the way you stood by the car, i think you're not.
Me: Oo nga. hindi nga ako straight, Bisexual nga ako diba?!
Target: Ang nasa-isip ko kasi, straight ka kasi sabi mo Top ka...
Me: Oo nga, top nga ako! Pero wala akong sinabing straight ako.
Target: Ah ok. I understand. Alam ko naman na some bi's and gays say they're top para i-hide ang kanilang...

Teka, teka teka. Parang may biglang pumutok sa tenga ko nung sinabi niya ang word na HIDE. Na-irita ako.
Me: Excuse me? What are you trying to say? That since I'm not as macho/tambay/hunk-looking as you pictured me out, I'm pretending to be TOP just to hide my being bi?

Walang imik ang gagah.
Me: Do you even know what TOP means? Just so you would know, a TOP is a position in same-sex intercourse. Meaning, the TOP is the one who gives and the BOTTOM is the one who receives. And for your information, there are bi's who prefer to GIVE than to RECEIVE.
Target: Ah ok that's your opinion. I would respect that. Sinabi ko na nga sa sarili ko na wala na talagang straight sa chat eh.

Ay, Bobah?
Me: What would a straight guy do in a gay & lesbian chatroom? Kaya nga tinawag na straight diba? Kasi ang hanap eh opposite sex. Sa tingin mo, may papatol sayo na straight? Straight guys would NEVER have sex with gays/bi's unless they will gain something else in return ie. money, sustento, etc... Those are called PATOLAs o mga pumapatol in exchange of something else. OK. for the sake of the argument, let's temporarily use the term "straight" on the level by which you comprehend it. Do you think there are straight bottoms?
Target: I never said there are straight bottoms.
Me: MALAMANG noh! Kung may straight man na magkamaling pumatol sa iyo, he would definitely assume the TOP position. Duh? It is more than implied. However, it does not follow that all TOPS are straight.
Target: That's based on your experience.
Me: Give me a reason WHY a straight guy would want to have sex with a gay like you without any other reason than pure pleasure of man sex. Just one.
Target: Curiosity.
Me: Hahahah... yeah, blame it to the old reliable "because of curiosity" thing. Did I ever sound curious when we chatted? Curious is when you haven't tried anything yet and you are inquisitive. The thought of even considering how it feels to have sex with the same sex and actually trying it makes one a not-so-straight guy anymore. Liking the experience affirms the tendencies. Maybe what you mean by those who SEEM straight yet have sex with obvious gays like you, are the discreet ones. Have you ever heard of PAMHINTA? PAMHIN? PEPPERMINTS? They are the green-blooded homosexuals/bisexuals who act like the straight ones do. However, they still enjoy coitus with the same sex.
Target: Again, that is your opinion and that's based on your experience.
Me: No. This is not just my opinion. These are called labels. And since you are fond of using them, you might as well educate yourself with their descriptions and how to properly use them to specify what species under a broad kingdom of gays are you looking for. While I am aware that there are no universal or exclusively precise "classifications" of sexual preferences amidst the diversity, if you want to be politically correct and use those labels, be sure to know the basics.
Target: That's your op...

Punyeta. Rinding-rindi na ako sa kanyang natataning motto sa buhay: "That's your opinion and blah blah blah."
Me: Look. This is getting pointless. If you don't wanna do it, perfectly fine with me. A relief, actually.
Target: Ah good. So nakuha mo na ang ibig kong sabihin.

Ampotah! Ang kapal ng gilagid. Mukha siyang paa. At siya pa ang may K umayaw.
Me: Of course naman. I'm not stupid and I am well-educated. Good luck nalang sa paghahanap mo ng "straight" guy.

Kinamayan ko siya as a sign of good etiquette.
-->Target: Nice meeting you. And by the way, hindi ako naghahanap ng straight. Naghahanap lang ako ng TRIP with a straight for the night.

Ang kapal talaga ni ateh. Akala mo kung sinong maganda, naghahanap lang daw siya ng TRIP with a straight guy for the night. Magmimistulang DYOSA si PETRANG KABAYO kung paghahambingin sila.

Naghanap ako ng imburnal sa paligid. Gusto ko siyang itulak.

Pauwi na ako nang naisipan kong itext siya.

Hanap ako ng quote. Forward sa kanya.

Maya-maya nagreply siya. Quote rin. Masaya na ako kahit ganun. Bibihira lang siyang magreply kaya masaya na ako kahit blank message pa ang matanggap ko galing sa kanya.

Reply kaagad ako ng "wud po? :p"

Kung anu-ano ang pumasok sa isip ko habang nagdadrive ako pauwi.

Magrereply pa kaya siya? Ano naman kaya isasagot niya? Ano kaya ginagawa niya? Hmmm...

Nang biglang BLAGGGG!!!

May sumigaw na isang mama.

Pagtingin ko sa side-mirror, may nabangga pala akong motor.

Parang ang bilis ng pangyayari. Pati ako nalito.

Ano nga bang nangyari?

Nasa gitna na ako ng crossing nang napatingin ko sa traffic lights at RED ang nakita ko. Pagtingin ko sa kanan, ang daming sasakyang rumaragasa. Nagpanic ako. Isang mabilis na sulyap sa likuran at umatras agad ako. Wala naman akong nakita kaya go lang nang go.

Nagbrake nalang ako nang sumigaw na ang lalaki.

Pagtingin ko sa traffic lights, BLINKING RED pala. Meaning, "go as long as no other cars are crossing" at hindi "Stop".

Hayop.

Mabait naman yung driver ng motor at hindi nagsisisigaw at nag eskandalo. Pumayag naman sa areglo. Mabuti rin at hindi naman siya nasaktan.

"Magkano?" tanong ko.

"Sandali, tanong ako sa ibang driver ng motor." Sagot niya.

Medyo natagalan ang pagtanong-tanong niya sa ibang driver at dumarami na rin ang mga matang nakiki-usyoso sa nangyari. Syet. Nakakahiya. Ganun pala ang feeling na masangkot sa banggaan. Parang ang sarap maglaho.

Tinanong niya kung nasaan ako nakatira at sinagot ko naman. Since malapit lang, sumunod naman siya at doon nalang daw namin pag-usapan. May sumama pang isang nakamotor na lalaki. Ewan ko kung kasamahan niya ito o sadyang dakilang chismoso lang talaga siya.

Pagdating sa labas ng bahay, sabi niya na higit-kumulang 3,500 pesos daw yung damage. Pero hindi pa raw siya sigurado. Magtatanong pa raw siya sa hardware kinabukasan.

Eh, 2000 pesos lang ang dala ko. Nanghiram pa ako ng 1,500 sa tiyahin ko. Hiningi niya rin ang number ko para ma-contact daw ako kung kulang yung 3,500. Ako naman tong si "inosente" at binigay naman para maareglo na. Kinuha ko rin name and number niya.

Sabi rin niya na wag daw akong mag-alala dahil may resibo naman daw yong bibilhin niyang spare parts kung sakaling kukulangin. Napa-Oo nalang ako para matapos na.

Umalis na yung dalawa at umalis rin ako para magwithdraw. Kailangan kong bayaran yung 1500 na inutang ko sa tiyahin ko.

Pag-uwi ko, nalaman pala ng "concerned" kong kuya na nakabangga ako. Nagalit siya dahil dinala ko pa daw sa bahay at binigay pa ang number ko. Dapat daw kung areglo, areglo na. Wala nang dagdag. Aba, malay ko ba? Eh, first time ko!

Tiningnan ko ang cellphone ko, baka at least man lang nagreply siya.

Walang message.

Leche.

Ang mahal ng text niya.

Powered By Blogger

About Me

My Photo
Diwata
Philippines
Sino nga ba ang Diwata? Walang nakaaalam... Walang nakakikilala... Maging ako, hindi alam kung sino siya.
View my complete profile

Ano 'to?

Isang kaban ng kung anu-anong bagay na labas-pasok sa utak ko. May ibang may sense, may iba namang wala. Pakyut lang. Ang iba naman tungkol sa kagagahan ng mundo.


MusicPlaylist
Music Playlist at MixPod.com

Mga Alagad

Powered By Blogger