Pauwi na ako nang naisipan kong itext siya.
Hanap ako ng quote. Forward sa kanya.
Maya-maya nagreply siya. Quote rin. Masaya na ako kahit ganun. Bibihira lang siyang magreply kaya masaya na ako kahit blank message pa ang matanggap ko galing sa kanya.
Reply kaagad ako ng "wud po? :p"
Kung anu-ano ang pumasok sa isip ko habang nagdadrive ako pauwi.
Magrereply pa kaya siya? Ano naman kaya isasagot niya? Ano kaya ginagawa niya? Hmmm...
Nang biglang BLAGGGG!!!
May sumigaw na isang mama.
Pagtingin ko sa side-mirror, may nabangga pala akong motor.
Parang ang bilis ng pangyayari. Pati ako nalito.
Ano nga bang nangyari?
Nasa gitna na ako ng crossing nang napatingin ko sa traffic lights at RED ang nakita ko. Pagtingin ko sa kanan, ang daming sasakyang rumaragasa. Nagpanic ako. Isang mabilis na sulyap sa likuran at umatras agad ako. Wala naman akong nakita kaya go lang nang go.
Nagbrake nalang ako nang sumigaw na ang lalaki.
Pagtingin ko sa traffic lights, BLINKING RED pala. Meaning, "go as long as no other cars are crossing" at hindi "Stop".
Hayop.
Mabait naman yung driver ng motor at hindi nagsisisigaw at nag eskandalo. Pumayag naman sa areglo. Mabuti rin at hindi naman siya nasaktan.
"Magkano?" tanong ko.
"Sandali, tanong ako sa ibang driver ng motor." Sagot niya.
Medyo natagalan ang pagtanong-tanong niya sa ibang driver at dumarami na rin ang mga matang nakiki-usyoso sa nangyari. Syet. Nakakahiya. Ganun pala ang feeling na masangkot sa banggaan. Parang ang sarap maglaho.
Tinanong niya kung nasaan ako nakatira at sinagot ko naman. Since malapit lang, sumunod naman siya at doon nalang daw namin pag-usapan. May sumama pang isang nakamotor na lalaki. Ewan ko kung kasamahan niya ito o sadyang dakilang chismoso lang talaga siya.
Pagdating sa labas ng bahay, sabi niya na higit-kumulang 3,500 pesos daw yung damage. Pero hindi pa raw siya sigurado. Magtatanong pa raw siya sa hardware kinabukasan.
Eh, 2000 pesos lang ang dala ko. Nanghiram pa ako ng 1,500 sa tiyahin ko. Hiningi niya rin ang number ko para ma-contact daw ako kung kulang yung 3,500. Ako naman tong si "inosente" at binigay naman para maareglo na. Kinuha ko rin name and number niya.
Sabi rin niya na wag daw akong mag-alala dahil may resibo naman daw yong bibilhin niyang spare parts kung sakaling kukulangin. Napa-Oo nalang ako para matapos na.
Umalis na yung dalawa at umalis rin ako para magwithdraw. Kailangan kong bayaran yung 1500 na inutang ko sa tiyahin ko.
Pag-uwi ko, nalaman pala ng "concerned" kong kuya na nakabangga ako. Nagalit siya dahil dinala ko pa daw sa bahay at binigay pa ang number ko. Dapat daw kung areglo, areglo na. Wala nang dagdag. Aba, malay ko ba? Eh, first time ko!
Tiningnan ko ang cellphone ko, baka at least man lang nagreply siya.
Walang message.
Leche.
Ang mahal ng text niya.