Dinggin ang Bulong ng Tadhana

Makisabay sa agos ng pagbabago...

Totoo nga talagang you can't please everyone. Kahit gaano ka kagaling, katalino, kaganda, kayaman at kabait, meron talagang hinirang at itinakdang maging kontra bida.

Kahapon lang ay naidaos namin ang isang napakahalagang "rite of passage" sa buhay ng isang student nurse- ang Cap, Pin, and Candlelight Ceremony.

May mga estudyanteng naatasang magkaroon ng mga special participation sa nabanggit na event. Isa na ako doon. At maging ang isa sa aking mga close friends. Ako ang naatasang magbigay ng speech of thanks kasi ako daw number 1 sa batch namin. DAW. Hindi ko alam kung gaano ito ka-totoo. Baka wala lang talagang ibang mahanap ang mga CIs na mas makapal pa ang mukha sa akin. Yung friend ko naman, pinakanta siya ng "Follow your dream" ni Sheryn Regis. Pinakanta siya dahil malamang may K siya!

Naging matagumpay ang aming 5 minutes of fame. Congratulations sa kaliwa, Well done sa kanan. Akala ko, winner kaming pareho. Akala ko lang pala yun.

Naglabasan ang mga chikka pagkatapos ng event. Unang nagkwento ang isa ko pang close friend na bading. Habang kumakanta raw ang friend naming ala-Sheryin Regis, may impaktang nanlait sa kanya sa may likuran ni bading.

Impakta: Kilala ko yan! Local star yan ng ABS-CBN sa GenSan. Hindi naman magaling.

Nag-racing ang kilay ng bading at uminit ang ulo. Tinignan niya ng masama ang babae sa likuran. Tinaasan ng kilay. Ayaw parin paawat ng impakta. Kung anu-ano pa ring panlalait ang sinabi tungkol sa friend namin.

Impakta: Nakakainis pakinggan! Obvious na obvious na pinilit ang boses.

Hindi nakatiis ang bading.

Bading: Miss, dahan dahan ka sa mga sinasabi mo ha. Close friend ko yang kumakanta.
Impakta: Eh, totoo naman eh!
Bading: Oo! totoong mas pangit ka! Lecheng ulikba to!

Aktong lalaban pa ang gaga pero natakot yata ang katabing babae ng impaktang negra sa kaibigan kong bading na parang bouncer ang katawan.

Katabi ng Impakta: Ay, sorry ho. Ikaw naman kasi impakta, tigil tigilan mo na nga yang panlalait mo.

At natahimik na silang lahat. Paano naman kasi, katawan palang ng bading, panakot na. May history pa si bading na nanuntok daw ng suso ng isang beks na sinabunutan siya at ayaw tantanan ang kanyang curly hairs. Ayun, hinimatay ang kawawang beks. Dapat nagpatingin siya sa duktor. Baka may breast cancer na siya ngayon.

Akala ko si singer friend lang ang may Bella Flores. Ako rin pala. Kaninang umaga, nagchikka ang classmate kong naka may I hear sa nasabing panlalait sa akin habang ako raw ay nagsasalita sa harap ng madla. Sa kalagitnaan ng aking speech...

Matandang lalaki: Anu ba yan! Ang tagal-tagal magsalita! Ang dami-daming sinasabi. Nagugutom na ako! Ang sarap batuhin ng kamatis!

Eh may nakarinig na guardian angel ko! Rumesbak si ati.

Mudra ng classmate ko: Kung nagugutom ka, at pumunta ka lang dito para kumain, edi lumabas ka! Walang pumipigil sayo. Nakikinig ka ba sa pinagsasabi niya? Sa content at impact ng kanyang speech para sayo at sa anak mo? Baka naman hindi mo lang naintindihan kasi English ang pagkakasabi?!

Pakpak mga bayut!!! Mabuhay ang reyna! And the award goes to: matandang lalaki! ahihihihi! ayan tuloy, inimbyerna si mother lily. Na-awardan tuloy. Sabi ko sa classmate ko, pakisabi sa mama niya, salamat. At asahan niyang special mention siya sa susunod kong pagtatalumpati.

Pagkatapos ng lahat, kasali na ang mga pang-aalipusta sa aming pagkatao, choz! May mga mabubuting tao na parang fairy godmother na handang tumulong at magtanggol sa oras ng pangangailangan. Bading, mother lily ng classmate ko, maraming maraming salamat. Mabuhay kayo.





PS: Sa matandang lalaking nanlait sa akin, hindi na kita papatulan. Alam kong, ilang sandali nalang ang lalagiin mo dito sa mundo. Pagbibigyan kita. :)

Powered By Blogger

About Me

My Photo
Diwata
Philippines
Sino nga ba ang Diwata? Walang nakaaalam... Walang nakakikilala... Maging ako, hindi alam kung sino siya.
View my complete profile

Ano 'to?

Isang kaban ng kung anu-anong bagay na labas-pasok sa utak ko. May ibang may sense, may iba namang wala. Pakyut lang. Ang iba naman tungkol sa kagagahan ng mundo.


MusicPlaylist
Music Playlist at MixPod.com

Mga Alagad

Powered By Blogger