Diwata: Itigil na natin ito.
Mortal: Hindi ka ba masaya?
Diwata: Masaya. Pero higit sa saya, mas nahihirapan ako. Nasasaktan.
Mortal: Hindi ko maintindihan.
Diwata: Hindi mo kailangang intindihin.
Mortal: Pero...
Diwata: Sa simula pa lang, alam na nating mali. Alam ko nang mali. Pero nagbulag-bulagan ako sa pag-aakalang baka pwede. Baka sa pagkakataong ito, kakampi ko ang tadhana. Dinala kita sa mundo ko. Naaninag ng iyong mga matang hindi karapatdapat ang rikit at hiwaga ng isang mundong bibiharang nasisilayan ng mga mortal na katulad mo. Nalasap ng iyong mga labi ang mga pagkaing dito mo lang matatagpuan. Nakapaggayak ka ng mga kasuotang hindi angkop sa isang pangkaraniwang nilalang na gaya mo. Itinuro ko sa iyo ang mga lihim na dunong na hindi kayang saklawin ng makitid na mortal mong isipan. Ibinigay ko sa iyo ang mga natatagong yaman ng lupa. Labag man sa utos at kalooban ng aking Amang Hari at Inang Reyna, dinala kita sa aming kaharian at sabay na nakisalo sa hapag ng karangyaan. Buong pagmamalaki kitang ipinakilala sa aking mga kaibigan kahit na alam kong hindi sila sang-ayon sa pananatili mo sa aming mundo. Tinuruan kitang sumampa sa bagwis ng engkantadong kabayo patungo sa kalawakan kung saan nasaksihan mo ang ganda ng bawat kulay ng bahaghari. Pinilit ko ring makibagay sa mundo mo. Buong puso kong itiniklop ang aking mga pakpak at pilit na ikinubli ang aking patulis na tenga. Taliwas sa pananaw ng mga nakapalibot sa atin, mortal man o diwata, nagbingi-bingihan ako. Napabayaan ko ang aking mga tungkulin sa aming mundo sa kagustuhang damayan ka sa mga responsibilidad mo. Ngunit hindi ko pinagsisisihan ang lahat ng ito. At lalong hindi kita sinisisi sa pagkakamaling ito. Nakasulat sa tubig ang mga pagkukulang mo. Ginusto ko ring mangyari ang lahat nang naganap. Naging maligaya akong natatanaw kang masaya. Ngunit hanggang doon nalang iyon. Hindi sapat ang pag-ibig lang na walang paninindigan at dedikasyon. Marahil ay sadyang nilikha ni Bathala ang ating magkaibang mundo dahil kahit anong gawin ko, maging ang ibigay sa iyo ang aking mundo ng buong-buo, kulang pa rin. Kulang pa rin.
Mortal: Pero masaya ako.
Diwata: Hindi mo maikakailang hindi lubos ang iyong kasiyahan. May mga bagay-bagay na kahit bali-baliktarin ko ang kalangitan, wala pa rin akong kakayahang ibigay sa iyo. Mga bagay na kaya lang ibigay sa iyo ng isang mortal.
Mortal: Ayokong mawala ka sa akin. Mahalaga ka sa buhay ko.
Diwata: Magkaiba ang mahal sa mahalaga lang.
Mortal: Minahal kita sa paraang alam ko.
Diwata: Sa bawat yakap mo, sa bawat pagdampi ng iyong mga labi sa aking mga pisngi at sa bawat matatamis na salitang iyong binitawan, ramdam ko na hindi ako ang tunay na laman ng iyong puso't isipan. Marahil naging tunay ka ngang masaya sa mundong ipinakita ko sa iyo. Ngunit nakikita ko sa iyong mga mata na hindi ako ang nais mong makasama sa mundong iyon, kundi siya: ang babaeng mortal na walang mukha. Hindi ako mangmang para hindi malaman ang lahat nang ito. Noong una, sinubukan kong balewalain ito. Pero sapat na ang aking kusang pagpapakatanga. Kailangan bang pati ikaw, harap-harapan akong gawing tanga?
Mortal: Kailangan kita.
Diwata: Makasarili ka. Nais mong ang lahat ay naaayon sa kagustuhan mo kahit nakasasakit ka na ng iba. Hindi ka marunong makuntento. Laking pagtataka ko kung bakit ikaw ang aking inibig. Isang pangkaraniwang mortal. Mababang nilalang. Kung tutuusin, nasa kapangyarihan ko ang isumpa ka at gawing miserable ang iyong buhay, maging ang buhay ng babaeng mortal. Ngunit hindi ko gagawin iyon.
Mortal: Sa maikling pagkakataong nakasama kita, nakilala kita nang lubusan. Alam kong hindi mo kayang gawin iyon sapagkat malinis ang iyong puso at mabuti ang iyong kalooban.
Diwata: May karapatan akong masaktan, manibugho, maghinanakit at magalit. Ngunit wala akong karapatang saktan at pahirapan ang ibang tao. Nawa'y maisip mo rin ito.
Mortal: Kung talagang mahal mo ako, hindi mo ako iiwan.
Diwata: At kung talagang mahal mo rin ako, iiwan mo siya.
Mortal: Anong gusto mong gawin ko?
Diwata: Hindi mahalaga kung anong gusto ko. Walang saysay ang aking kagustuhan kung ito'y labag din lamang sa iyong kalooban. Makakaya mo bang iwan ang mundo mo para manirahan sa mundo ko? Ang pamilya mo? Ang mga kaibigan mo? Tiyak hindi sila sasang-ayon. Makakaya mo bang iwan Siya at kalimutan ang anumang ugnayang namamagitan sa inyo kapalit ng ating pagsasama? Mamili ka sa aming dalawa.
Mortal:...
Diwata: Hindi ka makapagpasya? Hindi mo kayang panindigan ang sinasabi mong pagmamahal? Sapat na ang iyong katahimikan upang ihayag ang tunay na nilalaman nang iyong puso. Nawa'y basbasan ako ni Bathala ng lakas at kakayahang hilumin ang bawat sugat sa aking puso at ibaon sa limot ang bawat kirot at pighating dala ng ala-ala ng kahapon. Ito na ang huling sandaling matatanaw mo ang aming mundo sapagkat ito na rin ang huling pagkakataong magtatagpo ang ating landas.
Tumalikod na ang diwata.
Diwata: Bukas na ang lagusan patungo sa inyong mundo.
Sa huling pagkakataon, niyakap ng mortal ang diwata mula sa likuran.
Mortal: Mangungulila ako sa iyo.
Tanging mga luhang dumaloy sa pisngi ng diwata ang kanyang naging tugon.
Nagising ang mortal sa kanyang mahimbing na pagka-idlip.
Mortal: Diwata? Diwata!
Walang tugon sa panawagan ng mortal. Umalingawngaw lamang ang kanyang tinig sa gitna ng tahimik at malamig na gabi. Tila ang lahat ay kathang isip lamang.