Dinggin ang Bulong ng Tadhana

Makisabay sa agos ng pagbabago...

Never in my wildest imaginations have I considered OUTing myself. But yesterday, pooof!! it became koko krunch!



I mean, I'm suddenly OUT to the three of my closest friends.



May mga bagay na sadyang kay hirap tanggapin o kahit man lang harapin. Para sa akin, isa na dito ang aking gender preference.

Maski sa sarili ko, hirap ako. Let alone na malaman pa ng iba. Kahit sa closest friends ko pa, which by the way, mga kasapi rin ng pink mafia. Ewan, hindi lang siguro ako kompurtable. May mga ganung bagay naman talaga diba?

Siguro, panghabang-buhay na kasi yung pag-a-OUT. Once nasabi mo na, wala nang bawian. No return, no exchange. Anuman ang resulta, panindigan mo. Kung ok naman, edi good. Kung bad reaction, manigas ka.

Yung aminan na nangyari kagabi habang nag si-shisha kami, wala sa plano. Hindi pinaghandaan. Peste, they caught me off-guard. Kaya ayun. May point pa bang i-deny?

So far, ok naman. Naging masaya rin naman ako't naging open ako sa kanila. Ganun din naman sila sa akin. Wala rin naman akong pagsisisi...





...as of now.

Sa pagsilang kay Kristo,
Nayanig ang mundo...

Earthquake 11:20am December 25, 2008

Since nung Christmas ng 2007, medyo hindi ko na feel ang essence ng pasko. 'Di tulad nang dati, ibang-iba na talaga. Wala nang traditional family get-together sa side nila mama. Iilang regalo nalang ang natanggap ko. Iilan na lang rin ang binigay ko. Wala masyadong ingay. Wala na ring exchange gifts at Christmas party. Ang dahilan ng lahat: ang salot na Krisis.

Kahit ngayong Pasko, ganun din. Medyo hindi ko na maramdaman ang essence ng pasko. Sa mall, puno nga ng tao, kokonti lang naman ang may bitbit na pinamili. Karamihan nagpapalamig lang at namamasyal. Bibihira na rin akong makarinig ng mga Christmas songs at siguro, mahigit sa 40% ang binaba ng bilang ng mga nagka-carol sa labas. Matamlay na nga ang pasko. Malungkot.

Pero kanina lang, napadrive-by kami sa isang convenience store para bumili ng yosi. Habang nasa loob ang kasama ko, napansin ko sa tabi ang isang taong grasa. Nakahimlay sa malamig na tiles. Tulog. Sa tapat nya, may isang styrofoam na may kanin at ulam. Napangiti ako. Hindi ko alam kung pinulot niya lang ito sa kung saan, o nilimos, o sadyang may busilak ang loob na nag-iwan nito para sa kanya habang natutulog sya. Mas gusto kong isipin yong panghuli. Nasabi ko sa sarili ko, ito, ito ang hinahanap kong essence ng Pasko. Hindi ko akalaing sa simpleng bagay ko lamang ito matatagpuan. Hindi sa regalo, hindi sa kainan.

PS: Pipikchuran ko sana siya kaso nagising siya. Nahiya ako at umalis nalang. Sayang, maganda sanang remembrance yun. Pang Wish ko lang at Maala-ala mo kaya ang drama.


Katha ni Batara


ating pakinggan dagundong ng tambol sa kagubatan.
waring humihiyaw na kulog ng katotohanan.
dagitab sa kalangitan pahiwatig ay katapangan.
indak ng babaylan, pusod ng ating kaalaman.
palaso ng mumbaki bakit ‘di mo iniintindi?
kulturang pinagmulan iyo nang inaapi.
banyagang kasuotan iyong pinahahalagahan.
bahag ng baylan iyong pinagtatawanan.
bul-ol o anito itinuturing mong dyablo.
sa batas ng kalikasan ito’y ‘di totoo.
iyong pakinggan
sigaw ng ating lahi
sa bawat pandidiri
kasaysaya'y humihikbi

Katha ni Batara

Mula sa nakaraan hanggang sa kasalukuyan

Kakaibang galing ating inaasam
Natatagong sikreto ng kalikasan
Binigay sa atin ng Nakakaalam
Gawaing demonyo sa mata ng kamangmangan
Ngunit ito'y sagrado sa totoong may alam
Hindi ito laruan o kaya nama’y libangan
Pagkat biyaya ito na dapat din igalang
Kapangyarihang inilihim upang di abusuhin
Ngayo'y inilabas upang pagyamanin
Dakilang biyaya mula sa Maykapal
Sa gawaing ito,nawa’y di tayo mawalan ng dangal
Orasyon, dasal o anumang katawagan
Ang mahalaga’y iisa lang ang patutunguhan
Hindi demonyo o engkanto
Kundi sa Dios o Diosa na mataas pa sa tao
Ito’y isang uri din ng pagdarasal
Na nagsisilbing koneksyon sa Maykapal
Ngunit produkto ng kalikasan ang gabay
Na likha ng Dios o Diosa na laging umaagapay
Ano bang masama sa ganitong gawain
Kung busilak naman ang hangarin
Oo nga't pwede ito sa itim na naisin
Ngunit di yaon sapat upang ito'y sirain
Itim na budhi ng Pantas
Kaparusahan sa kanya'y di aatras
Kung isinagawa sa ngalan ng pagmamahal
Kahilingan o dasal mo'y tiyak na ihahalal
Kapangyarihan ng kulam ay galing sa puso
At sa paniniwalang di pabugso-bugso
Sangkap mula sa kalikasan at talino ng kaisipan
Makakabuo ka ng mabisang kapangyarihan
Ikaw man ay pinagtatawanan sa ganitong larangan
Sila’y intindihin at huwag patulan
Pagkat alam ng Dios o Diosa ang katotohanan
Pagdating sa sining ng totoong mangkukulam.

Powered By Blogger

About Me

My Photo
Diwata
Philippines
Sino nga ba ang Diwata? Walang nakaaalam... Walang nakakikilala... Maging ako, hindi alam kung sino siya.
View my complete profile

Ano 'to?

Isang kaban ng kung anu-anong bagay na labas-pasok sa utak ko. May ibang may sense, may iba namang wala. Pakyut lang. Ang iba naman tungkol sa kagagahan ng mundo.


MusicPlaylist
Music Playlist at MixPod.com

Mga Alagad

Powered By Blogger