Dinggin ang Bulong ng Tadhana

Makisabay sa agos ng pagbabago...

Since nung Christmas ng 2007, medyo hindi ko na feel ang essence ng pasko. 'Di tulad nang dati, ibang-iba na talaga. Wala nang traditional family get-together sa side nila mama. Iilang regalo nalang ang natanggap ko. Iilan na lang rin ang binigay ko. Wala masyadong ingay. Wala na ring exchange gifts at Christmas party. Ang dahilan ng lahat: ang salot na Krisis.

Kahit ngayong Pasko, ganun din. Medyo hindi ko na maramdaman ang essence ng pasko. Sa mall, puno nga ng tao, kokonti lang naman ang may bitbit na pinamili. Karamihan nagpapalamig lang at namamasyal. Bibihira na rin akong makarinig ng mga Christmas songs at siguro, mahigit sa 40% ang binaba ng bilang ng mga nagka-carol sa labas. Matamlay na nga ang pasko. Malungkot.

Pero kanina lang, napadrive-by kami sa isang convenience store para bumili ng yosi. Habang nasa loob ang kasama ko, napansin ko sa tabi ang isang taong grasa. Nakahimlay sa malamig na tiles. Tulog. Sa tapat nya, may isang styrofoam na may kanin at ulam. Napangiti ako. Hindi ko alam kung pinulot niya lang ito sa kung saan, o nilimos, o sadyang may busilak ang loob na nag-iwan nito para sa kanya habang natutulog sya. Mas gusto kong isipin yong panghuli. Nasabi ko sa sarili ko, ito, ito ang hinahanap kong essence ng Pasko. Hindi ko akalaing sa simpleng bagay ko lamang ito matatagpuan. Hindi sa regalo, hindi sa kainan.

PS: Pipikchuran ko sana siya kaso nagising siya. Nahiya ako at umalis nalang. Sayang, maganda sanang remembrance yun. Pang Wish ko lang at Maala-ala mo kaya ang drama.

0 comments:

Powered By Blogger

About Me

My Photo
Diwata
Philippines
Sino nga ba ang Diwata? Walang nakaaalam... Walang nakakikilala... Maging ako, hindi alam kung sino siya.
View my complete profile

Ano 'to?

Isang kaban ng kung anu-anong bagay na labas-pasok sa utak ko. May ibang may sense, may iba namang wala. Pakyut lang. Ang iba naman tungkol sa kagagahan ng mundo.


MusicPlaylist
Music Playlist at MixPod.com

Mga Alagad

Powered By Blogger