Katha ni Batara
ating pakinggan dagundong ng tambol sa kagubatan.
waring humihiyaw na kulog ng katotohanan.
dagitab sa kalangitan pahiwatig ay katapangan.
indak ng babaylan, pusod ng ating kaalaman.
palaso ng mumbaki bakit ‘di mo iniintindi?
kulturang pinagmulan iyo nang inaapi.
banyagang kasuotan iyong pinahahalagahan.
bahag ng baylan iyong pinagtatawanan.
bul-ol o anito itinuturing mong dyablo.
sa batas ng kalikasan ito’y ‘di totoo.
iyong pakinggan
sigaw ng ating lahi
sa bawat pandidiri
kasaysaya'y humihikbi
1 comments:
napagandang tula.. malinaw ang imaheng nais ipakita... maganda ang hugis... at higit sa lahat, nakaaantig ng damdamin. bravo!
Post a Comment